|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Malacañang, wala pang napipiling kandidato
NILIWANAG ng Malacanang na wala pang napipiling kandidato sa panguluhan si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa likod ng mga balitang napipisil ng Liberal Party si Interior and Local Government Secretary Manuel Araneta Roxas II.
Sinabi ni Secretary Edwin Lacierda na kahit wala pang napipili si Pangulong Aquinoi, malaya namang makakapamili si Senate President Franklin M. Drilon ng kanyang nakikitang magiging kandidato ng partido.
Ipinaliwanag pa ni G. Lacierda na mga katangian lamang ng mga nais niyang humalili sa kanya ang binanggit sa talumpati kahapon sa Philippine Stock Exchange.
Ang pahayag ni G. Lacierda ay kasunod ng sinabi ni Senate President Franklin Drilon na si Roxas ang nais niyang kumandidato sa pagkapangulo. Kahit pa kasama ni Pangulong Aquino si G. Roxas noong 2010, hindi naman umaangat ang kanyang tayo sa mga nakalipas na survey. Ayon sa impormasyon, ito ang dahilan kaya't nababalam ang pahayag ni Pangulong Aquino sa kanyang kandidato para sa 2016.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |