|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Pabuya, inialok kapalit ng impormasyon hinggil sa pagpaslang
NAG-ALOK si Senate President Pro Tempore Ralph Recto ng pabuyang P100,000 kapalit ng impormasyon sa pagpaslang sa dating mamamahayag na si Mei Magsino kamakalawa.
Ani Senador Recto, kino0kondena niya ang pagpaslang sa mamamahayag na nagbunyag ng maraming anomalya sa lalawigan ng Batangas. Si Senador Recto ang asawa ng dating matinee idol at ngayo'y Batangas Governor Vilma Santos.
Naglingkod sa Philippine Daily Inquirer si Magsino mula 1999 hanggang 2005. Binaril siya ng riding-in-tandem malapit sa kanyang tahanan sa Batangas City. Itinuloy pa rin ni Magsino ang kanyang pagpuna sa mga nagaganap sa lalawigan sa pamamagitan ng social media.
Nanawagan ang senador sa mga alagad ng batas na gawin ang lahat upang malutas ang krimen. Nararapat panagutin ang may kagagawan ng pagpaslang, dagdag pa ni Senador Recto.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |