|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Bagong pinuno ng BIFF, kinilala
ISANG nagngangalang Abubakar Esmael ang nahirang na pinuno ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters matapos pumanaw si Ustadz Ameril Umra Kato.
Nahalal si Esmael na kapalit ng kanilang pinuno. Ayon kay Abu Misri Mama, nagkakaisang nahalal si Esmael ng mga pinuno ng samahan. Idinaan sa telepono ang paghalal sapagkat hindi makakapagkita ang mga pinuno sa madaliang panahon. Tumanggi si Mamang kilalanin ang mga lumahok sa halalan.
Ayon kay Mama, si Esmael ay isang tahimik, Islamic at idinagalang ng mga kasapi at ng mga politiko sa lalawigan. Hindi naman kinilala ang mga politikong gumagalang kay Esmael.
Malakas pa rin ang kanilang samahan kahit nasawi na si Umra kato at nadakip ang ilan nilang mga pinuno.
Atake sa puno ang ikinasawi ni Umra Kato sa Guindulungan, Maguindanao noong Martes ng madaling-araw.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |