Si Dong Zhen ay mahusay sa pagkanta ng mga awit na may katangiang Tsino, pero, ang karamihan sa kanyang mga kanta ay ginagamit bilang theme song o background music para sa mga cyber game. Kapag narinig ang boses ni Dong Zhen, mabilis na magiging kalmado ang sinumang makakarinig nito.

Kasing ganda kaya ng boses ni Dong Zhen ang kanyang hitsura? Sa totoo lang, marami ang nagsasabi na hindi naman kagandahan ang kanyang mukha. Kahit kilala na siya dahil sa kanyang mga awit sa cyber games, kaunti lang ang mga taong nakakakilala sa kanyang mukha. Noong 2012, Lumabas si Dong sa isang talent show sa TV, na "The Voice of China." Sa kanyang performance, nagsuot siya ng maskara. Dahil sa kahilingan ng mga judges, inalis niya ang maskara, at nakita ng maraming tao ang kanyang mukha. Marami ang nagsabi na hindi naman talaga siya maganda.

Pagkaraan nito, si Dong ay sumailalim sa plastic surgery at siya ngayon ay naging maganda. Sa kasalukuyan, maaaring i-search sa internet ang kanyang mga litrato. Ang lahat ng mga ito ay puro magaganda. Ayon sa maraming tao, kasing ganda na ng kanyang mukha ang kanyang boses.

Gusto ni Dong Zhen ang mga Chinese Wushu story, lalung-lalo na ang mga Wushu sroty na naganap noong sinaunang panahon. Kinanta niya ang maraming theme song para sa mga cyber games at TV drama na may theme na Wushu.

Gentle at soft ang boses ni Dong Zhen, dahil dito, ang kanyang boses ay angkop sa pagkanta ng mga romantic song. Ngayon, hindi lamang para sa mga cyber game ang kinakanta niya, kundi lumilikha na rin siya ng sariling awit at ipinalalabas sa internet. Noong Setyembre ng taong nakalipas, idinaos ni Dong sa Beijing ang isang live show para ipalabas ang kanyang mga bagong awit. Ito ang kanyang unang live show para sa kanyang mga sariling awit.

Isa sa mga awit na kanyang itinanghal ay pinangalanang "Bai Su Zhen."Ang pangalang Bai Su Zhen ay hango sa pangalan ng isang heroine sa isang classical romantic story ng Tsina. Ayon sa kuwento, si Bai Su Zhen ay hindi isang totoong babae, at isang white snake. Ang kuwento ng Bai Su Zhen ay popular sa lahat ng tao sa Tsina. Kaya, sa paglikha nito, ginagamit ni Dong ang mga teknolohiya mula sa mga Chinese traditional opera. Si Bai Su Zhen ay isang magandang babae, at isa sa mga karakter ng pangalan niya, ay kapareho ng karakter ng pangalan ni Dong Zhen. Ang karakter na ito ay "Zhen." Kaya, pinili ito ni Dong bilang pangalan ng kanyang bagong awit. Siguro, niya maging kasing ganda ni Bai Su Zhen.