|
||||||||
|
||
20150521ditorhio.m4a
|
Si Mark O'Connell ay isang laowai na naninirahan sa lunsod ng Shenzhen, probinsya ng Guangdong, dakong timog ng Tsina.
Siya ay nagmula sa pinakasikat na golf course sa Timog Aprika, ang Fancourt.
Ang dating pangulo ng Timog Aprika na si Nelson Mandela, at mga golf superstar na sina Tiger Woods at Gary Player ay kanyang mga customer. Dumating siya ng Shenzhen, limang taon na ang nakakaraan.
Dala ang kanyang karanasan sa pag-ma-manage ng golf course, pagiging magaling na lider, at siyempre, paglalaro ng golf, siya ngayon ang Golf Course Manager at nagbibigay-buhay sa Xili Golf and Country Club sa Shenzhen.
Sa totoo lang po mga kaibigan, hindi pa po ganoon kakilala ang golf sa Tsina; kaya naman nagpupunyagi si Mark upang ito ay ipakilala sa masang Tsino.
Naniniwala siyang, sa pamamagitan ng pagpapasulong at pagpo-promote ng larong ito, at ibayo pang pagtatayo ng mga golf course, mapapaunlad ang golf, at makaka-attract ng maraming maglalaro.
Narito po ang kuwentong Tsina ni Mark O'Connell.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |