Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Hou Hsiao Hsien: Best Director sa Cannes Film Festival para sa pelikulang The Assassin

(GMT+08:00) 2015-06-02 18:56:28       CRI

Topic sa episode sa episode ng Pelikulang Tsino ang pagkakapanalo ni Hou Hsiao Hsien ng Best Director Award para sa pelikulang The Assassin sa katatapos lang na Cannes Film Festival. Ayon sa kritiko ang pelikula ay "undoubtedly the most gorgeous film at Cannes, nearly every image is breathtaking."

Tungkol saan ang The Assassin? Ang pelikula ay naganap sa panahon ng ika siyam na siglo sa Tsina sa pagtatapos ng Tang Dynasty. Bida ng pelikula si Shu Qi bilang female assassin na si Nie Yinniang . Pumalpak at nabigo siya sa pinakahuli niyang mission kaya para makabawi, kailangan siyang ibalik sa kanyang probinsya. Para makabawi kailangan niyang patayin ang ruler na si Lord Tian (Chang Chen), kaso ang taong ito ang kanyang one and only love.

So ang conflict ng movie --- Nie Yinniang must choose: sacrifice the man she loves, or forever leave the sacred way of the righteous assassins. Ang istilo ni Hou Hsiao Hsien sa The Assassin ay di nalalayo sa kanyang mga naunang mga pelikula na Millennium Mambo at The Puppetmaster. Sa kanyang acceptance speech sa Cannes, sinabi ng direktor "Mahirap gumawa ng pelikula at humanap ng pondo sa paggawa ng sine. Nais kong pasalamatan ang lahat ng crew at cast."

Ang administratibong pamahalaan ng Taiwan ay magbibigay ng 5 million New Taiwan Dollars (approximately USD163,980) dahil sa kanyang tagumpay sa film festival. Ipinahayag ng Ministri ng Kultura ang magandang balitang ito. At bukod sa cash reward si Hou at tatanggap din ing NTD500,000 (USD16.385) dahil siya ay napasali sa main competition ng Cannes.

Sa panayam tinanong ng media si Hou Hsiao Hsien kung ano ang dahilan kung bakit niya ginawa ang The Assassin, sagot ng direktor sa pananaw niya ang Tang Dynasty ay isang glamorous na panahon sa kasaysayang Tsino lalo na para sa mga kababaihan. Ang mga kababaihan sa panahong ito ay may mas mataas na estado kumpara sa mga kalalakihan. Kaya ayon sa direktor, mukhang interesante kung gagawa ako ng pelikula na ang setting at Tang Dynasty.

Ang The Assassin ang first martial art film ni Hou Hsiao Hsien.

Alamin ang iba pang detalye ng The Assassin mula sa programang Pelikulang Tsino Nood Tayo kasama ang mga moviebuddies na sina Mac, Andrea at Sarah.

Si Hou Hsiao Hsien

Si Shu Qi

May Kinalamang Babasahin
mac
v Hou Hsiao Hsien: Best Director sa Cannes Film Festival para sa pelikulang The Assassin 2015-06-02 19:00:35
v 2015 Cannes International Film Festival 2015-05-27 18:23:47
v Red Amnesia 2015-05-20 17:36:34
v Ika-5 Beijing International Film Festival 2015-05-07 16:18:18
v Ever Since We Loved 2015-04-29 17:38:17
v Wolf Warriors 2015-04-23 19:47:15
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>