Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mas mababang inflation, napuna

(GMT+08:00) 2015-06-05 18:33:32       CRI

Simbahan, mangangalap ng isang milyong lagda laban sa coal-fired power plant

UMAASA si Fr. Edwin Gariguez, executive secretary ng CBCP-National Secretariat of Social Action, Justice and Peace na makakalikom ng isang milyong lagda upang hadlangan ang mga itatayong coal-powered power plants sa bansa.

Kasama sa kampanya ang Philippine Movement for Climate Change ay umaasang pakikinggan sila ng pamahalaanna patutunayan ang pangakong hahadlangan ang climate change at maibsan ang panganib mula sa mga kalamidad.

Bagama't ginagamit na dahilan ang pagkakaroon ng sapat na kuryente, mas mataas na malilikom na buwis at kaunalran, ang pamahalaan at mga multi-national coal companies ang nagbubukas naman ng pagkakataon sa Pilipinas na magiging aktibong bansang makasasama sa klima ng daigdig.

Nauunawaan ni Fr. Gariguez ang papel ng pamahalaan na patatagin ang supply ng kuryente subalit lumalabas na walang pagpapahalaga sa kalikasan at kalusugan ng mga mamamayan. Prueba na umano ang hagupit na idinulot ni "Yolanda" noong 2013.

Ayon sa datos ngPhilippine Movement for Climate Change, may 26 na planta ng kuryenteng umaasa sa uling ang mapaaandar ng taong 2020.

Kabilang dito ang 1,200 megawatt na Atimonan One Energy Power plant extension project na itatayo sa Atinoman. Ito ang ikatlong proyektong napasok sa Quezon Province. Una ang Mauban Coal Plant at ang Pagbilao coal plant.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>