Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Aquino, nanawagang magkaisa ang mga Filipino

(GMT+08:00) 2015-06-12 19:10:33       CRI
Pangulong Aquino, nanawagang magkaisa ang mga Filipino

NAPAKAHALAGA ng pagkakaisa ng mga mamamayan kaya't naganap ang deklarasyon ng unang araw ng kalayaan may 117 taon na ang nakalilipas. Ito ang buod ng kanyang talumpati sa idinaos na pagdiriwang ng Independence Day sa bayan ng Santa Barbara kaninang umaga.

Naganap ito sa pagkakaisa ng mga mamamayan matapos ang may 300 taong pananakop ng mga Kastila. Binigyang-pansin ni Pangulong Aquino na ang pagkakaisa rin ang magiging mabisang sandata sa paglaban sa katiwalian.

Ipinagunita ni Pangulong Aquino ang kahalagahan ng "matuwid na daan."

Ipinagdiwang ni Pangulong Aquino ang Araw ng Kalayaan sa harap ng munisipyo ng Santa Barbara sa makasaysayang lalawigan ng Iloilo.

Nagsimula ang pagdiriwang kaninang ikawalo ng umaga na kinatampukan ng pagtataas ng watawat ng bansa. Nag-alay din siya ng bulaklak sa bantayog ni General Martin Delgado na siyang pook ng pagpapasinaya ng Republika ng Pilipinas sa Kabisayaan.

Dumalaw din si Pangulong Aquino sa makasaysayang simbahan sa Santa Barbara. Nagkaroon din ng tradisyunal na Vin d'Honneur sa inayos na kapitolyo ng lalawigan.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>