![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
http://mod.cri.cn/fil/PTNT/20150928.m4a
|
Sa siyam na nominations ng pelikulang "The Taking of Tiger Mountain" ito ay nanalo ng tatlong top honors sa katatapos lang na 2015 Golden Rooster Awards. Nanalo ito ng Best Director para kay Tsui Hark. Ang pelikula ay naganap sa panahon pagkatapos ng World War II at batay sa nobelang Tracks in the Snow Forest ni Qu Bo. Ang istorya ay tungkol sa conflict sa pagitan ng People's Liberation Army ng Tsina at isang gang ng bandits. Bukod sa pelikula, ang nasabing nobela ay ginawa na ring isang opera at pinamagatang Taking Tiger Mountain by Strategy.
Sa kanyang acceptance speech sinabi ni Tsui Hark na, "It's the first time that I got an award in the Chinese mainland. It's the first time for a Hong Kong director to get the award for Best Director at the Golden Rooster and Hundred Flowers Film Festival. It has a special meaning for me."
Mukhang maraming mga supresa ang awards night ng Golden Rooster, dahil maging ang Best Actress Awards ay napanalunan ng isang di inaasahang winner. Nanalo si Ba Dema, isang 50 year old na actress para sa kanyang pagganap sa pelikulang Nuo Ri Ji Ma, pelikula mula sa Inner Mongolia. Aba tinalo niya ang bet ng mga movie buddies na sina Zhao Wei at Tang Wei.
Ang Best Film ay napunta sa Wolf Totem, directed by French Director Jean Jacques Annaud. Base sa isang hit novel ang Wolf Totem. At ang kwento ay naganap noong Cultural Revolution at nakatuon sa isang taong napilitang makisalamuha sa mga lobo. Ayon sa chika, baka mapili bilang contender sa Oscars Foreign Language category ang Wolf Totem pero wala pang opisyal na annoucement hinggil dito.
Alamin ang iba pang mga tsika sa katatapos lang na 2015 Golden Rooster Awards sa programang Pelikulang Tsino Nood Tayo kasama ang mga movie buddies na sina Mac, Andrea at Sarah.
Si Ba Dema
Si Zhang Hanyu
Si Tsui Hark
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |