Writer / Director: He Jiong
Cast: Li Yifeng Zhang Huiwen Jiang Jinfu Calvin Du, Zhang Yuxi, Li Xin'ai, Zhang Yunlong, Coco Lee, Song Yi
Ang Forever Young ay isang coming of age movie. Ibig sabihin tampok dito ang mga kabataan at ang kanilang mga problema bago magtapos sa college. Tampok dito ang 2 sets of barkadas. Isang barkada ng ballerinas at isang barkada ng boy band. Ang setting ng pelikula ay isang performing arts college. Si Yanxi ( Zhang Huiwen) ay isang estudyante ng classical ballet. Kasama ng kanyang mga barkada, balak niyang mag-aral sa Paris. Si Xunuo (Li Yifeng) naman ay lead singer ng band at kanilang target ay ang pagtugtog sa big talent show ng university na Dream Night. Big deal ito dahil pwede silang makakuha ng recording deal. Kaso may rival band sila, ang well-connected and equally talented na band led by Zhang Yunlong. Nagkagalit ang boy band dahil sa napabayaan na ni Xunuo ang rehearsals at naka focus na sa pagba ballet at lalo pang nagalit ang banda nang marinig ang kanta ni Zhang Yunlong na inawit ni Xunuo. Nag break na rin sina Yanxi at Xunuo dahil nabisto nito ang sikreto na di pumasa sa Paris auditions ang ballerina, na matagal nang alam ni Xunuo. Paano nagka-ayos ang mga magkakaibigan? Alamin sa programang Pelikulang Tsino Nood Tayo, kasama ang mga movie buddies na sina Mac, Andrea at Sarah.



