|
||||||||
|
||
Mga pinuno ng iba't ibang ekonomiya, dumating na sa Pilipinas
DUMATING na sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina, US President Barack Obama at iba pang mga pinuno ng mga ekonomiyang kabilang sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) upang mag-usap hindi lamang sa larangan ng ekonomiya bagkos at terorismo at mga paraan upang masugpo ito.
Nagsimula na ang dalawang araw na pulong sa likod ng madugong pananalakay na ginawa ng mga tauhan ng Islamic State sa Paris noong Sabado ng umaga, oras sa Pilipinas.
Kahit pa kalakalan ang pinakamahalagang paksang pag-uusapan, hindi maiiwasang magkaroon ng pag-uusap sa mga paraan ng pagsugpo sa terorismo.
Magkasunod na dumating mula sa G-20 Meeting sina Pangulong Obama at Xi, na natuon sa IS at mga paraan upang maibalik ang kapayapaan sa Syria na nasakop na ng mga armadong IS sa nakalipas na ilang buwan.
Martes ng hapon, sumaksi sa paglagda sa isang strategic partnership sina Pangulong Aquino at Vietnamese President Truong Tan Sang upang mapag-ibayo ang defense ties ng dalawang bansa.
Naunang dumating si Chilean President Michelle Bachelet na nagsasagawa rin ng isang state visit sa Pilipinas. Dumating na rin sina Vincent Shiew ng Taiwan ng Tsina, Colombian President Juan Miguel Santos, Papua New Guinea Prime Minister Peter O' Neill at Hong Kong chief Executive C. Y. Leung.
Dumating Martes ika-walo't kalahati ng umaga si President Truong Tan Sang ng Vietnam, US President Barack Obama, Republic of Korea President Park Geun-Hye, Chinese President Xi Jinping at Australian Prime Minister Malcolm Turnbull.
Dumating din Martes si Malaysian Prime Minister Dato' Sri Mohd Najib Tun Abdul Razak, Mexican President Enrique Pena Nieto at New Zealand Prime Minister John Key.
Dumating Miyerkules si Canadian Prime Minister Justin Pierre James Trudeu, Thai Prime Minister Prayuth Chan Ocha, Sultan Hassanal Bolkiah ng Brunei Darussalam at ang pangalawang pangulo ng Indonesia.
Miyerkules ng madaling araw dumating si Peruvian President Ollanta Humala Tasso at Russian Prime Minister Dmitry Medvedev.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |