|
||||||||
|
||
PTNT/20160208.m4a
|
Nag debut na si Zhou Xun bilang producer ng mga pelikula. At ang una niyang project ay ang "Les Aventures d'Anthony." Kamakailan ibinahagi niya ang dahilan kung bakit niya ginawa ang career move na ito.
Ayon sa panayam ng Epoch Times, inamin ng aktress na nahulog ang loob niya sa project matapos mabasa ang script. Ang kwento ani Zhou Xun ay salamin ng kanyang personal na buhay.
Dagdag niya tila tadhana ang mapunta sa akin ang script at nang mabasa ko ang kwento naging malapit talaga sa kalooban ko ito. Kwento ito ng isang malungkot na binata, tungkol sa bayang tinubuan, mga relasyon sa magulang at kaibigan. Si Zhou Xun tulad ni Anthony ay iniwan din ang kanyang kanyang mga magulang para hanapin ang bagay na gusto niyang gawin sa buhay at ang landas na tatahakin para makuha ito.
Inamin din ni Zhou Xun na talagang iba ang trabaho ng isang aktress sa isang producer. Aniya ang trabaho ng producer ay masalimuot at samu't sari. Ang aktor ay nakatuon lang sa kanyang pag-arte sa pelikula,
Whats Les Aventures d' Anthony about? Si Anthony (papel ni model Liu Chang) ay papuntang Australia para kumuha ng business degree. Big change ito mula sa kanyang nakagawiang buhay sa Dalian. Syempre malungkot siya dahil iiwan niya ang kanyang mga magulang. Isa pang bagay na nagpapabigat ng kanyang kalooban ang nalalapit na pagkakawatak ng kanilang barkada.
Maiiwan sa Dalian ang mga kaibigan niya. At ang bestfriend at secret crush na si Ying (Bai Baihe) ay pupunta naman sa Japan para mag-aral ng sound design. So off he goes to Melbourne to pursue his studies. Sa Melbourne, tumira siya sa isang matandang Tsino kasama ang kanyang mga bagong housemates na iba iba ang personalidad.
Iba ang pamumuhay sa Melbourne, puno ng kalungkutan at pakiramdam na si Anthony ay nag-iisa. Sa kabila nito, may bagong nadiskubre si Anthony. Ito ang passion niya para sa pagkain.
Kaya nagdesisyon siyang mag shift ng course. From business nag-enroll siya sa Culinary Arts. Syempre nagwala ang parents niya pero surprise surprise nagchange of heart naman ang kanyang daddy at sinuportahan siya nito.
Nakilala rin ni Anthony sa Australia si Serena (Tina Tang) kapwa sila mahilig sa pagluluto at pagtikim ng iba't ibang pagkain. Ang Les Adventure d'Anthony ay isang coming of age movie na magaang panoorin at magbibigay ng masayang feeling.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |