Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

The Mermaid

(GMT+08:00) 2016-02-29 19:51:50       CRI

Ang The Mermaid ay isang supernatural tale na may environmental message. Sentro ng kwento ng The Mermaid ang isang billionaire playboy (Deng Chao) na bumili ng isang dolphin protected area at balak niyang pagkakitaan ito. Isang magandang mermaid o sirena (Jelly Lin) ang nag protekta sa aquatic paradise sa pamamagitan ng planong pag seduce at eventually pagpatay sa tycoon — pero nagbago ang lahat nang ma-inlove siya sa tycoon. Bukod kina Deng Chao at Jelly Lin kasama rin sa The Mermaid sina Show Luo, Kitty Zhang, Tsui Hark, Wen Zhang at Kris Wu.

Si Stephen Chow ang producer at direktor nito. Si Chow ay kilalang comedian at direktor mula sa Hong Kong. Kilala siya sa kanyang brand of slapstick. At ang brand of comedy ni Chow ay di lang bumebenta sa local audiences, patok din ito sa mainland audiences at surprisingly pati ang overseas movie goers ay napapatawa rin niya.

Para magawa ito, pinagtutuunan ni Stephen Chow ang kanyang mga comedy films at hindi siya basta basta naglalabas ng pelikula kada taon. Minsan 4 na taon bago mapanood ang bagong movie niya dahil gusto niyang perfect ang bawat joke at katawa-tawa ang bawat detalye.

Maging ang marketing strategy ni Stephen Chow ay di rin katulad ng nakagawian sa entertainment industry. Kadalasan ang mga pelikula ay may mga series of events bilang bahagi ng promotions gaya ng customary pre-screenings. Pero hindi ito ginawa ni Stephen Chow. Sa halip, kasama ng kanyang cast, ginawa nila ang 20-city promotional blitz sa Tsina.

Isa pang attraction sa pelikula ang locations nito. Sa Shenzhen kinunan ang karamihan ng pelikula. At ayon sa feedback ng locals, ikinagulat nila ang napakagandang tanawin sa The Mermaid lalo na ang magnificent sea views. Marami ang namangha sa ganda ng Yangmeikeng sa Dapeng Peninsula – gawing silangan ng Shenzhen kung saan may mga unexploited valleys at beaches.

Alamin ang iba pang detalye ng The Mermaid mula sa programang Pelikulang Tsino Nood Tayo.

 

May Kinalamang Babasahin
mac
v Les Aventures d' Anthony 2016-02-06 17:04:40
v Saving Mr. Wu 2016-01-22 10:42:52
v Office 2015-12-14 21:54:11
v Mountains May Depart 2015-11-19 17:21:55
v Goodbye Mr. Loser 2015-11-12 17:45:23
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>