Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

International Committee of the Red Cross, nababahala sa gulo

(GMT+08:00) 2016-03-01 17:54:43       CRI

Kalakaran sa kalakal, kailangang maayos

KALAKARAN NG KALAKAL, DAPAT MAAYOS. Nagkakaisang nanawagan ang mga pinuno ng Joint Foreign Chambers of Commerce sa pamahalaan na tiyaking maayos ang palatuntunan para sa kalakal pang pumasok ang ibang investors. Ito ang kanilang nagkakaisang pahayag sa ginawang press conference kasabay ng Fifth ARANGKADA Assessment sa Marriott Grand Ballroom kanina. Nasa larawan mula sa kanan sina Yoshio Amano ng Japanese Chamber of Commerce, John Forbes, senior advisor ng American Chamber of Commerce, Julian Payne, panful ng Canadian Chamber of Commerce of the Philippines, Guenter Taus ng European Chamber of Commerce of the Philippines, Rick M. Santos, panful ng American Chamber of Commerce of the Philippines at Ryan Patrick Evangelista, executive director ng Australian-New Zealand Chamber of Commerce Philippines. (Melo M. Acuna)

NANINIWALA ang mga opisyal ng Joint Foreign Chambers of Commerce and Industry na malaki ang potensyal ng Pilipinas sa larangan ng kalakal kung maaayos ang kalakaran.

Sa isang press conference, sinabi ni Yoshio Amano, pangulo ng Japanese Chamber of Commerce, kung makikita lamang nila ang kinabukasan ng kanilang investments sa Pilipinas ng maayos at maliwanag, higit silang maglalagak ng kapital sa Pilipinas.

Nais nilang manatili ng matagal sa Pilipinas kailangan lamang maging kaaya-aya ang business environment.

Ikinalungkot ni G. Amano na nagbabago ang mga alituntunin sa kalagitnan ng mga proyekto kaya nahihirapan silang makapag-laan ng kapital. Mahirap din, ani G. Amano na magdesisyon kung kailangang maglagak pa ng dagdag na kapital sa nasimulang kalakal.

Bagaman, sinabi ni ni G. Amano na maraming nagawa ang kasalukuyang administrasyon.

Para kay G. Julian Payne, pangulo ng Canadian Chamber of Commerce of the Philippines na kung paniniwalaan ang balitang lumabas sa Philippine Star kahapon na walang bagong minahang nakatatanggap ng pahintulot mula sa pamahalaan, mas malaki ang mawawalang pagkakataon sa Pilipinas.

Ito ang kanyang reaksyon sa pahayag nina Finance Secretary Cesar Purisima at Environment Secretary Ramon JP Paje na wala munang pahihintulutang kumpanyang makapagtatayo ng minahan sa Pilipinas. Sang-ayon umano sila sa desisyon ni Pangulong Aquino.

Ipinaliwanag niyang sa pangyayaring ito, hindi lalaki ang kita ng pamahalaan mula sa mga rentas na nararapat bayaran, hindi magkakaroon ng hanapbuhay ang may 250-300,000 manggagawa at hindi na rin makararating ang kaunlaran sa malalayo at liblib na pook na kinalalagyan ng mga minahan.

Ani G. Payne, mas mahalagang mapakinggan ang mga pananaw sa industriya ng pagmimina ng mga kandidato sa panguluhan. Mababalanse naman ang paggamit ng lupa para sa sakahan, turismo at minahan dagdag pa ni G. Payne.

Sapagkat walang mga minahang nagbubukas sa Pilipinas, may mga Pilipinong nagtatrabaho sa mga minahan sa kanyang bansa sa Canada. Hindi raw nila maunawaan kung bakit kakaiba ang pananaw ng pamahalaang Filipino sa pagmimina 'di tulad ng Canada, Australia at iba pang bansa na mayroong malaking bahagi ng ekonomiyang suportado ng mga minahan.

Sinabi naman ni John Forbes, senior advisor sa American Chamber of Commerce and Industry na mahalaga ang Public – Private Partnership upang makarating ang mga pagawaing-bayan sa mga mamamayan.

Ani G. Forbes, karaniwan na itong kagawian sa mga bansang tulad ng Malaysia at Singapore. Sa halip na mangutang sa World Bank, ang pagpasok ng pribadong sektor ay higit na makabuluhan para sa pagpapa-unlad ng bansa.

Ang bansang America at Tsina ay walang Public-Private Partnership sapagkat mula ang salapi sa pamahalaan kaya't 'di na kailangan ang pribadong sektor sa pagpapatayo ng mga lansangan, tulay at iba pang mapapakinabangan ng mga mamamayan.

Idinagdag naman ni G. Rick M. Santos, pangulo ng American Chamber of Commerce of the Philippines na sa pagpasok ng mga kasunduang ito ay magkakaroon ng hanapbuhay ang mga manggagawang Filipino.

Para kay dating Budget and Management Secretary Benjamin Diokno, mangangailangan ang bansa ng pag-aayos ng mga regulasyon sapagkat may mga batas na sumasagka sa pagpasok ng mga kalakal. Inihalimbawa niya ang pagpasok ng isang banyagang kumpanya na mag-eempleyo ng banyagang opisyal, kailangan pang dumaan sa Bureau of Immigration and Deportation. Ang kalakal na may kapital ng US$200,000 ay may kaukulang regulasyon pa na nagiging "disincentive" sa mga nais maglagak ng kalakal.

Kung hindi man mapapayagan ang pag-aari ng mga lupain ng mga banyaga, maaring payagan ang pagkakaroon ng long-term lease na mga 50 taon tulad ng ginagawa sa Tsina at ibang bansa.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>