|
||||||||
|
||
Atake sa puso ang ikinamatay ng Aleman
ATAKE SA PUSO ANG DAHILAN NG PAGKASAWI NG ISANG ALEMAN. Ito ang sinabi ni Chief Supt. Welbin Mayor, PNP spokesman matapos matanggap ang ulat ng kanilang tanggapen sa CARAGA Region hinggil sa pagkakatagpo ng bangkay ng isang Alleman magdaragat may 100 kilometro mula sa baybaydagat ng Barabo, Surigao del Sur. (File Photo/Melo M. Acuna)
LUMABAS na sa pagsisiyasat ng pulisya na atake sa puso ang ikinamatay ni Manfred Fritz Bajorat, ang Alemang natagpuan sa isang yate samantalang palutang-lutang sa Surigao del Sur.
Ayon sa unang lumabas na balita, natagpuan ng mga mangingisda ang labi ng Aleman sa radio room ng yate namantalang may 100 kilometro sa baybay-dagat ng Barabo sa Surigao del Sur.
Sinabi ni Chief Supt. Wilben Mayor, tagapagsalita ng Philippine National Police, na sa pagsisiyasat ng pulisya sa Caraga Region sa ilalim ni Chief Supt.Roland Felix, nasawi ang Aleman dahil sa matinding atake sa puso.
Ginawa ang medico-legal investigation ng PNP Regional Criminal Laboratory. Tinatayang pitong araw nang patay ang biktima ng matagpuan ng mga mangingisda.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |