|
||||||||
|
||
Matagumpay ng Tsinoy, nagkaloob ng gusali sa Bonifacio Global City
NAKATANGGAP ng malaking donasyon ang Pamantasan ng Pilipinas sa gitna ng Bonifacio Global City na nagkakahalaga ng P 400 milyon mula sa SM conglomerate sa pamumuno ng Tsinoy na si Henry Sy, Sr.
Ang siyam na palapag ng gusali at handang tumanggap ng post-graduate students sa susunod na pasukan. Ito ang ika-17 campus ng University of the Philippipnes sa bansa. Ito rin ang unang donasyon ng pinakamalaking kumpanya, ang SM Investments Corporation sa University of the Philippines system kahit wala ni isang anak o mga apo ang nag-aral sa UP.
Karangalan ng kanilang pamilya na ipagkaloob ngayon ang Henry Sy, Sr. Hall sa University of the Philippines. Ani Hans Sy, pangulo ng SM Prime Holdings na bunga ang biyayang kanilang natanggap mula sa pagpupunyagi ng kanyang ama magkaroon lamang ng pormal na edukasyon.
Tinanggap ni UP President Alfredo Pascual ang bagong campus building sa lupang kaloob naman ng Bases Conversion Development Authority sa ngalan ng UP System. Ang bagong campus ay na sa 32ng Street at malapit sa C-5, sa International School.
Matatagpuan sa bagong gusali ang UP College of Law na mag-aalok sa gabi ng Juris Doctor program. Iaalok din ng Cesar E. Virata School of Business ang MBA at DBA mula sa taong 2017. Mag-aalok din sila ng postgraduate studies sa UP Bonifacio Global City sa larangan ng Engineering, Statistics, Urban and Regional Planning, Labor and Industrial Relations at Architecture.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |