Sa katatapos na Hong Kong Film Awards last week, biggest winner ang pelikulang Port of Call. Nanalo ito ang 7 awards kabilang ang Best Actor para kay Aaron Kwok, Best Actress para sa newcomer na si Jessie Li, Best Screenplay para kay Philip Yung at Best Supporting Actress for Elaine Jin. Inuwi naman ni Michael Ning ang dalawang awards– Best Supporting Actor and Best New Performer. At sealing their vistory for the night is a win by Christopher Doyle for Best Cinematography.
Tungkol saan ang pelikula? Ipinanganak Si Jiamei (Jessie Li) sa Dongguan at matapos mag divorce ang kanyang magulang, tumira siya sa kanyang mommy (Elaine Jin at ate sa Hong Kong. Pangarap ni Jiamei na maging model pero walang nangyari dito. Naging isang call girl at isang araw natagpuan ang kanyang bangkay – pugotan sa isang tenement sa Hong Kong.
Suspect sa krimen si Ting (Michael Ning) At ang police na nag-iimbestiga sa karumal dumal na krimen ay si Chong (Aaron Kwok) at ang partner niyang si Smoky (Patrick Tam) . Naging interesado si Chong kay Jiamei at gusto niyang malaman ang istorya ng buhay nito at kung paano siya maging biktima ng prostitusyon.
Alamin pa ang ibang detalye ng pelikula sa programang Pelikulang Tsino Nood Tayo kasama ang movie buddies na sina Mac, Andrea at Sarah.