![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
PTNT/20160328.m4a
|
Nagdesisyon si Hu Bayi (Chen Kun), na magretire bilang Mojin - grupo ng mga tomb explorer. Kasalukuyan siyang nakatira sa Manhattan kasama ang kanyang finacee na si Shirley Yang (Shu Qi) at teammate sa si Wang Kaixuan (Bo Huang)
Pero bago ang kanilang kasal, kailangan i-rescue nila si Kaixuan dahil ito ay nasa panganib habang isinasagawa ang tomb exploration.
Sa site nakilala nila ang isang misteryosong cult leader at negosyanteng si Ying Caihong (Liu Xiaoqing). Ang mga Mojin – sikat na tomb raiders --- ay naatasang hanapin ang libingan ng isang Mongolian Princess. Eventually nabisto ang tunay na motibo ni Ying Caihong, ito pala ay ang famed artifact na Equinox Flower na di umano ay may kapangyarihang buhayin ang patay.
Ang film credits ng pelikula ay kinabibilangan ng mga sumusunod: Director, Wu Ershan. Writer, Zhang Jialu at ibinase niya ang kwento sa web novel na Ghost Blows Out the Light ni Tianxia Bachang.. Si Wu Ershan ang direktor ng Painted Skin II: The Resurrection.
Ang cast naman ay binubuo nina : Chen Kun, Huang Bo, Shu Qi, Angelababy Liu Xiaoqing at Xia Yu.
Ang "Mojin," was initially titled "The Ghouls." Ito ang ikalawang tomb-raiding blockbuster sa Tsina. Nauna rito ipinalabas sa mainland ang movie ni Lu Chuan na "Chronicles of the Ghostly Tribe
Mojin means "touching gold" in Chinese. At ito rin ay nangangahulugang shady craft of tomb raiding. Sa wikang Tsino ang slang ay dao dou. Hu Bayi (Chen Kun), Wang Kaixuan (Bo Huang) at Shirley Yang (Shu Qi) ay members ng secret society of Mojin Captains mga tomb explorers pero ngayong retired na sila… nasa kalye ang dalawa at nagbebenta ng mga amulets at trinkets.
Si Grill (Xia Yu), ay hustler at agent ng grupo. Nakuha niya ang raket mula sa executives ng isang mining company na sina Mark (Cao Cao) and Yoko (Cherry Ngan). Ang misyon: locate the burial ground of Khitan princess Audo in Inner Mongolia at hanapin ang Equinox Flower
Sa araw ng kasal ni Bayi at Shirley, natanggap nila balitang nasa pangabin si Kaixuan at agad na tungo sa tomb site ng princess. Kung nagtataka kayo ano ba ang motivation nitong si Kaixuan para muling maging tomb raider? Well yung Equinox Flower. Kasi may traumatic experience pala sila Bayi, kaixuan at kababata nilang si Ding Sitian (Angelababy).
Tama. May love triangle sina Bayi, Sitian at Kaixuan noong kabataan nila. Pero sa isang tomb raiding incident namatay si Sitian. Ipinangako ni Kaixuan na hahanapin nito ang bulaklak para sa namatay na kaibigan.
Dito rin nakilala nila si Ying Caihong (Liu Xiaoqing), isang Chinese-Japanese religious cult leader who owns the mining company.
Pakinggan ang iba pang tidbits ng pelikula sa programang Pelikulang Tsino Nood Tayo.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |