![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
/PTNT/20160321.m4a
|
Wala sa bokabolaryo ni Michelle Yeoh ang lumabas sa sequel. Pero matapos ang 16 years, balik pelikula ang Malaysian born actress at muling napanood bilang Yu Shu Lien sa 2016 version ng Crouching Tiger Hidden Dragon. Sa kanyang panayam sa media, sabi ni Michelle
"This is a character so dear to my heart, I felt I could do so much more with her. Besides, after 16 years, we've made you guys wait long enough."
Malaki ang expectation sa Crouching 2. Dahil ang original film bukod sa Oscar winner ay box office success din. Sa second movie ang papel ni Yu ang siyang naatasan para protektahan ang isang mystical sword at pigilang mapasakamay ito ni Jason Lee.
Para paghandaan ang role sa Crouching 2, ang 53 year old na si Michelle Yeoh ay patuloy na nag ensayo sa martial arts. Maniwala kayo sa hindi. Kahit nagtu toothbrush gumagawa siya ng deep-knee bends. Di niya inurungan ang wire work ng pelikula. Talagang fit na fit pa rin ang Asian superstar.
Heto ang comment niya hinggil diyan "It's not so much needing to be fit and young — it really comes down to experience and timing," she says. "You have to be very confident when they drop you."
Ayon sa co star na si Natasha Liu Bordizzo naimpress siya kay Michelle Yeoh. "It's frightening how much Michelle still has the martial arts moves," "That woman would do her own stunts, then I would try and fail completely."
Siya talaga ang gumawa ng kanyang stunts. Sabi ni Michelle the thrill came back sa simula ng shooting ng eksena kung saan isang grupo ng mga bandido ang umatake sa karuwaheng sinasakyan niya. "You have to imagine springing out of the carriage, whipping out the sword, and beating down the bad guys in this fantasy move that could only happen on a movie set," Yeoh says. "It was just like old times."
Isa pang bagay ay ang pilosopiya ni Michelle Yeoh hinggil sa pagiging fit. Sabi niya I don't wait until I have an action movie to do before I get into shape. I exercise every day. I hike. Practice martial arts. Kaya nang gawin niya ang Crouching 2 hindi siya nahirapan na bumalik into the martial arts world.
May kwento nga ang co star niyang si Harry Shum Jr. Sabi niya noong unang makilala niya si Michelle"She is like a momma bear and takes care of you. Pero nang sumigaw na ang direktor ng action… mabilis niya akong napabagsak at talagang nagulat ako. At ang nakita na reaction niya sa eksena at totoong pagkagulat niya sa sobrang lakas ni Michelle.
At walang sinyales na titigil si Michelle Yeoh sa paggawa ng action movies. Dahil ayon sa artista "When you look at my action, you can see I still have the fire. So, I'm going to be out there kicking a** for as long as I can."
Alamin ang iba pang tidbits tungkol sa Crouching Tiger, Hidden Dragon : Sword of Destiny mula sa mga moviebuddies na sila Mac, Andrea at Sarah sa programang Pelikulang Tsino, Nood Tayo.
Si Yu Xiulian
Si Meng Sizhao
Si Xue Ping
Si Wei Fang
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |