Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

DoT Beijing, kalahok sa COTTM: Filipino Martial Arts, itinanghal

(GMT+08:00) 2016-04-21 15:45:11       CRI

 

Labindalawang (12) kompanyang Pilipinong mula sa industriya ng turismo ang dinala ng Department of Tourism (DoT)-Beijing Office sa tatlong araw na China Outbound Travel and Tourism Market (COTTM) na idinaos sa Beijing Agricultural and Exhibition Center, April 12 hanggang 15, 2016.

Ayon kay Niel M. Ballesteros, Officer-in-Charge ng DoT-Beijing Office, taunan silang lumalahok sa COTTM, at dinadala aniya nila sa Tsina ang mga pribadong kompanyang mula sa Pilipinas na binubuo ng mga taga-resort, travel agency at airline company.

Ang dahilan aniya, ay para makipagtulungan ang mga ito sa mga travel company ng Tsina kung paano maka-develop ng isang magandang tour program na magugustuhan ng mga turistang Tsino.

Ani Ballesteroes, sa taong ito, kabilang sa mga Pilipinong kompanya na kalahok sa COTTM ay Sheridan Palawan, Princess Garden Palawan, Bellevue Bohol, Shangri-La Boracay, Crown Regency Cebu and Boracay, Luxus Travel and Tours, Blue Horizon, Cebu Pacific at marami pang iba.

Sinabi ni Ballesteros, na maraming travel agency ng Tsina at turistang Tsino ang nagpupunta sa Philippine booth sa COTTM, at marami sa mga ito ang interesadong magbiyahe at dalawin ang Pilipinas.

Ayon pa sa tourism chief, ang Tsina ang siyang ikatlo sa dami ng mga turistang nagpupunta sa Pilipinas, sunod sa Amerika at Timog Korea.

Aniya pa, noong Enero 2016, nagkaroon ng 130 porsiyentong growth rate ang bilang ng mga turistang Tsino sa Pilipinas, samantalang noong Pebrero ng taong ito, lumaki naman ang bilang na ito sa mahigit 107 porsiyento.

Ani Ballesteros, 600,000 turistang Tsino ang target ng DoT-Beijing para sa 2016, at malaki ang posibilidad na ito ay maabot.

Mga kaibigan bilang bahagi ng Philippine product presentation sa COTTM, inimbitahan ng DoT Beijing Office ang World Original Teovel's Balintawak Arnis Group (WOTBAG) Beijing upang ipakita at itanghal sa lahat ng dumalo sa sirkulo ng turismo ng Tsina, ang Filipino Martial Arts (FMA). Ang FMA ay Katutubong Sining-Pilipino, na nagpapakita ng malalim na kultura at tradisyon ng mga Pilipino bilang isang bansa, samantalang ang WOTBAG Beijing naman ang kauna-unahang certified at authentic na grupong nagtuturo ng tunay na FMA sa buong mainland ng Tsina.

Ito po ay para palaganapin at i-share sa mga Tsino ang tunay na kulturang Pilipino at para palakasin ang pagkakaunawa ng mga Pilipino at Tsino sa kultura ng bawat isa. Isinusulong ng WOTBAG Beijing ang pagkakaibigan at pagpapalakas ng people-to-people exchanges mula sa dalawang panig.

Sinabi ni Ballesteros na "isang welcome activity ang Filipino Martial Arts (FMA) ngayong taon dahil nanggaling talaga sa Pilipinas ang Arnis." Aniya pa, napakaganda na may performance ng Arnis sa Philippine booth ngayong taon dahil naipapakita natin sa mga kaibigang Tsino ang kulturang Pilipino.

"Nakikita ko na maraming Tsino ang magpupunta sa Pilipinas upang matutunan nila nang husto ang sining ng Arnis," aniya pa.


 FMA demo team, kasama ang mga opisyal ng DoT-Beijing at Embahada ng Pilipinas sa Beijing

1  2  3  4  
May Kinalamang Babasahin
rhio
v Mga Laowai sa Tsina 2016-03-31 18:49:50
v Singing Idol ng Xinjiang 2016-02-29 16:18:46
v Negosyante ng Silk Road 2016-02-18 17:46:56
v Xinjiang, ang bagong frontier 2016-01-28 16:59:50
v Pintor ng Silk Road 2016-01-21 18:14:43
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>