|
||||||||
|
||
20160218ditorhio.m4a
|
Si Michael Marsden ay tubong Britanya. Aniya, parami nang paraming mga Tsino ang nagiging concerned na ngayon sa safety ng baby food. "Some people will even go to Europe to buy it," aniya pa.
Sa kanyang pananatili sa Kashgar, Uygur Autonomous Region of Xinjiang, nalaman niya na may malaking potensyal ang baby food market sa China. At tulad ng nasabi natin kanina, ang Xinjiang ang pinanggagalingan ng ilan sa mga pinakasariwa at pinakamasarap na prutas at gulay sa bansa; kaya naman nagdesisyon siyang buksan ang kanyang pagawaan sa lugar na ito.
Ang kanyang factory ay sumusunod sa western production standards. Umaasa si Michael na sa pamamagitan ng kanyang kompanya, makakapagprodyus siya ng healthier at murang baby food sa China.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |