|
||||||||
|
||
20160128ditorhio.m4a
|
Noong nakaraang episode, tinunghayan natin ang kuwento ng isang Amerikanong artist na si Joy Bostwick at nakita rin natin ang kanyang mga paintings na nagpapakita ng kaakit-akit na kapaligiran at katangi-tanging kultura ng Uygur Autonomous Region of Xinjiang, Tsina.
Sa episode na ito, muli tayong magbabalik sa kagila-gilalas na bahaging ito ng mundo at papakinggan ang isa pang pambihirang kuwento.
Sampung taon na ang nakakaraan lumipat sa Uygur Autonomous Region of Xinjiang ang Amerikanong si Josh Summers at kanyang asawa para humanap ng bagong simula.
Mula noon, naging abala si Josh sa kanyang pag-ba-blog tungkol sa kanyang mga travel experience.
Para saan ka n'yo? Para ipakita sa buong mundo ang tunay na Xinjiang. Kadalasan kasing mali ang pagkaunawa ng maraming taga-Kanluran sa sa tunay na kulay ng Xinjiang, mula na rin sa mga western media.
Sa paglaki at pagdami ng kanyang audience base, gumawa na rin ng sariling website si Josh at isinapubliko ang isang travel guidebook na tutulong sa mga taga-Kanluran upang matuklasan ang tunay na kulay at katangian ng Xinjiang.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |