Dating pangalawang pangulo, nagpiyansa
HINDI pa man lumalabas ang warrant of arrest, nagpiyansa na si dating Vice President Jejomar C. Binay kanina, isang araw matapos siyang kasuhan ng katiwalian sa pagpapatayo ng P 2.28 bilyong Makati City Hall Building II.
Humarap siya sa Third Division ng Sandiganbayan upang tapusin ang mga dokumentong kailangan para sa kanyang pansamantalang kalayaan, kasama ang kanyang mga abogado at iba pang ipinagsumbong, kasama na rin ang kanyang anak na si dating Makati Mayo Erwin "Junjun" Binay."
Sinamahan ng kanyang mga tauhan, umiwas si G. Binay sa mga camera sa kanilang paglalakad patungo sa tanggapan ng clerk of court para sa booking procedure, kinabilangan ng pagkuha ng kanilang fingerprint at pagbabayad ng piyansa. Umabot sa halagang P 376,000 ang piyansa sa dating pangalawang pangulo sa sinasabing paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, isa para sa malversation at siyam na ulit para sa falsification of public documents.
1 2 3 4