Pahayag ng Internet Society-Philippines, pinabulaanan
SINABI ng Globe Telecom na hindi angkop ang pahayag ng Internet Society-Philippines na hinahadlangan ng telecommunication companies tulad ng Globe ang Philippine Competition Commission na gawin nito ang obligasyon na nagsusulong ng fair market competition na magpaparating ng Petition for Certiorari sa Court of Appeals na humihiling na pigilan ang PCC na pagbalik-aralan ang pagbebenta at pagbili ng ari-arian ng Vega Telecom mula sa San Miguel.
Ang bilihang umano'y sa ilang bilyong piso ang nagbigay sa Globe ng access sa kalahati ng telecommunication assets ng San Miguel.
Ayon kay Globe General Counsel Atty. Froilan Castelo, sinusuportahan ng kumpanya ang PCC na matiyak na mayroong patas at magandang kompetisyon at pagsusulong ng programang pang-ekonomiya.
1 2 3 4