|
||||||||
|
||
HIV Cases, nadagdagan ng 700
IBINALITA ng Department of Health na mayroong 700 bagong kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV)noong nakalipas na Mayo.
Ayon sa pinakahuling HIV/AIDS Registry of the Philippines (HARP) Report, may 739 na bagong kasi ng HIV ang nabalita noong nakalipas na Mayo ng taong ito. Mula sa 739 na kaso, 106 ang naging full-blown acquired immune deficiency virus (AIDS) cases.
May 52 kataong may HIV/AIDS ang pumanaw noong Mayo.
Ang National Capital Region ang nagkaroon ng 303 kaso (41%) at sinundan ng Central Visayas na mayroon ng 108 kaso (15%), CALABARZON na nagkaroon ng 107 kaso (14%), Central Luzon na nagtaglay ng 58 kaso (8%) at Davao na nagkaroon ng 46 na kaso (6%).
May 56 na bagong usapin ang nabatid mula sa overseas Filipino workers na nakamtan sa pamamagitan ng relasyong sekswal. Kabilang sa 739 kaso, may 687 (93%) ang mula sa sexual transmission na karamiha'y mula sa kalalakihang nakikipagtalik sa kapwa lalaki na umabot sa 589 na kaso o 86%.
Ang homosexual contact ang naging dahilan ng 357 kaso at sinundan ng bisexual act na may 232 kaso at 98 ang mula sa heterosexual contact. Ang paggamit ng injections na may dalang droga ang dahilan ng 50 bagong kaso samantalang dalawa ang pagkakahawa ng ina sa kanilang anak.
Mayroon nang 3,802 HIV cases na nakalap ang Department of Health na kinabibilangan ng 518 AIDS cases at 228 nasasawi sa unang limang buwan ng taon.
Mula noong 1984, umabot na sa 34,158 HIUV cases ang naitala sa bansa na kinabibilangan ng 3,070 AIDS cases at ikinasawi na ng 1,759 katao.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |