|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
6 na pinatuyong black mushroom
1 kutsarang mantika
1 clove ng garlic, dinikdik nang bahagya
1 malaking piraso ng bamboo shoot, tumitimbang nang mga 125 grams
280 grams ng snow peas
Kalahating kutsarita ng asin
Kalahating kutsarita ng asukal
1 pirot ng vetsin
Paraan ng Pagluluto
Hugasan ang mushrooms at ibabad sa mainit na tubig sa loob ng 30 minuto. Hanguin sa tubig pero huwag itatapon ang tubig na pinagbabaran. Tanggalan ng tangkay ang mushrooms at hatiin sa dalawa ang mushroom caps.
Initin ang mantika sa kawali at igisa ang garlic hanggang sa magkulay brown. Tanggalin ang garlic tapos dagdagan ang apoy. Igisa ang mushrooms sa loob ng ilang segundo. Isunod ang hiniwa-hiwang bamboo shoot at ituloy pa ang paggisa sa loob ng ilang segundo. Idagdag ang snow peas at ituloy pa rin ang paggisa sa loobg ng 1 hanggang 2 minuto. Buhusan ng apat na kutsara ng likidong pinagbabaran ng mushrooms. Budburan ng asin, asukal at vetsin at ituloy pa ang pagluto sa loob ng 2 minuto.
Huwag kalimutang halu-haluin. Patayin ang apoy pagsingaw ng ikido at habang matigas pa ang gulay. Isilbi habang mainit.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |