Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pilipinas, handa na sa ika-30 ASEAN Summit

(GMT+08:00) 2017-04-24 18:35:16       CRI

Pangulong Duterte, inireklamo sa International Criminal Court

PORMAL na nagreklamo si Atty. Jude Sabio laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court kasama na ang ilang mga opisyal ng pamahalaan. Inakusahan ni Atty. Sabio ang grupo ni Pangulong Duterte ng "crimes against humanity" sa isang malawakang kampanya laban sa illegal drugs.

Sa isang 77-pahinang reklamo na nagsabing paulit-ulit, walang pagbabago at patuloy na lumabag sa batas sapagkat sa ilalim ng kanyang liderato, ang pagpatay sa mga drug suspect at iba pang mga criminal ang sinasabing magandang pamantayan.

Si Atty. Sabio ang abogado ni Edgar Matobato, isang umaming kasama ng isang hit squad na kumilos sa ilalim ng kautusan ni dating Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa serye ng pagdinig sa Senado.

Ito ang kauna-unahang akusasyon laban kay Pangulong Duterte na nakarating sa ICC at nagmula sa pahayag ni G. Matobato at ng retiradong pulis na si Arturo Lascanas, mula sa human rights groups at media reports tulad na rin ng serye ng mga balita mula sa Reuters.

Kasama sa inireklamo ang 11 senior government officials na pinapanagot sa usaping murder at nanawagan ng masusing imbestigasyon at paglilitis.

Gawa-gawa lamang umano ang mga ulat na maraming napapaslang sa kampanya laban sa illegal drugs. Tumanggi si Pangulong Duterte sa mga akusasyon.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, tagapagsalita ni Pangulong Duterte, sumusunod ang mga alagad ng batas sa standard operating procedures at ang mga lumalabag ay pinapanagot ayon sa batas.

Mula noong Hulyo ng 2002, nakatanggap na ang ICC ng higit sa 12,000 reklamo o mga komunikasyon. Siyam ang nauwi sa mga kasong nalitis at anima ng nagwakas sa hatol. Hindi naipatutupad ng ICC ang desisyon nito at ang hindi pagsunod sa kalakaran ay ipinararating sa United Nations at maging sa Assembly of States Parties. Mahaba ang proseso sa ICC at magdedesisyon muna kung mayroong jurisdiction at magdedesisyon kung magsasagawa ng panimulang pagsusuri. Makahihingi sila ng tulong sa isnag hukom na buksan ang isang opisyal ng imbestigasyon na maaaring masundan ng paglilitis.

Benham Rise, mahalaga para sa Pilipinas

BAGAMA'T may mapa ng nagawa hinggil sa Benham Rise, kakaunti pa lamang ang nababatid ng mga dalubhasa sa Pilipinas, maging sa pamahalaan at pribadong sector kung ano ang mga lihim ng bagong bahagi ng Pilipinas na kakabit ng continental shelf ng bansa.

Ito ang sinabi ni Atty. Jay Batongbacal, isang propesor ng batas sa College of Law ng University of the Philippines at Director ng Institute of Maritime Law at Law of the Sea sa idinaos na "Tapatan sa Aristocrat" kanina. International research organizations ang nakababatid ng basic information hinggil sa Benham Rise at ginamit ang datos nito upang isulong ng Pilipinas ang paghahabol sa pagdedeklara ng bahaging ito ng karagatan bilang parte ng bansa sa ilalim ng UNCLOS.

Nakasama sa unang pagsusuri ang mga halaman at mga isdang matatagpuan sa Benham Bank na may lalim ng 50 metro at may sukat na 17,000 hektarya na kakatiting lamang mula sa 24,000,000 ektarya. Idinagdag pa ni Atty. Batongbacal na nagsisimula pa lamang ang mga pag-aaral ng mga Pilipino sa karagatan. Marami pang pag-aaral na gagawin at kasama ang National Institute of Geological Science. Nagparating din ng interes ang South Korea at Japan na makiisa sa pag-aaral.

Sinabi rin ni Atty. Batongbacal na may ginawa ring pag-aaral ang mga Tsino sa bahaging ito ng karagatan.

Ayon naman kay Bb. Marianne Pan Saniano, isang marine scientist mula sa Oceana, mapalad silang nakalahok sa ginawang pagsusuri ng Benham Bank noong nakalipas na 2016. Nasuri nila ang Benham Bank, ang pinakamababaw na bahagi ng Benham Rise.

Ani Bb. Saniano, may 17,000 ektarya lamang ang Benham Bank at nakasama sila ng mga kinatawan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at mga siyentipiko ng University of the Philippines Los Banos. Nakita nila ang patong-patong na bato sa karagatan at iba't ibang uri ng isda. May lalim itong 50 metro samantalang ang kalakhang bahagi ng Benham Rise ay may lalim na aabot sa 3,000 metro.

Sa panig naman ni Prof. Richard Heydarian, naniniwala siyang kailangang magkaroon ng instalasyon ang Pilipinas sa Benham Rise sa pamamagitan ng pagpapatrolya ng Philippine Navy o Philippine Coast Guard.

Naniniwala siyang mayroong interes ang iba't ibang bansa sapagkat mayroon kompetisyon sa larangan ng paggamit ng mga submarino. Tanging tatatlong bansa ang may kakayahang maglunsad ng mga sandatang nukleyar sa karagatan at ang mga ito ay ang America, Russia at Tsina.

Estratehiko ang kinalalagyan ng Benham Rise, dagdag pa ni Prof. Heydarian.

Sa panig ni Atty. Batongbacal, ang pangingisdang lampas sa 200 nautical miles exclusive economic zone ay pinapayagan na sapagkat ang mga yamang kinabibilangan ng mga isda ay pag-aari ng sangkatauhan bagama't may mga ahensyang pandaigdig na sumasaklaw sa mga alituntunin.


1 2
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>