Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Inflation tumaas sa unang tatlong buwan ng taong 2017

(GMT+08:00) 2017-04-21 17:48:24       CRI
Inflation tumaas sa unang tatlong buwan ng taong 2017

TUMAAS ang inflation sa unang tatlong buwan ng taong 2017 at nakamtan ang 3.2% mula sa naganap noong huling tatlong buwan ng 2016 na umabot lamang sa 2.5%. Sa likod ng pangyayaring ito, sinabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas na nananatili ang inflation sa National Government target range na 3.0% ± 1 percentage point para sa buong taon. Maaaring naganap ito sa pagkakaroon ng bahagyang kakulangan ng food supply at pagtaas ng presyo ng petrolyo at kuryente. Ang core inflation ay tumaas sa 2.7% sa unang tatlong buwan ng 2017 mula sa 2.5% sa nakalipas na quarter. Dalawa sa tatlong alternative core inflation measures ng Bangko Sentral ng Pilipinas ay nabatid ring tumaas.

Ang domestic economy ay nananatiling metatag sapagkat ang real gross domestic product at tumaas ng 6.6% sa huling tatlong buwan ng 2016 kaya't ang growth sa buong taon ay umabot sa 6.8%. Nakatulong sa pagpapatatag ng ekonomiya ang gastos ng pamahalaan at paglalabas ng mga produktong gawa sa Pilipinas. Sa larangan ng produksyon, ang anumang paglago ay napalabnaw ng pagbaba ng sector ng pagsasaka at mas mabagal na kaunlaran sa industriya. Matatag ang ekonomiya sapagkat tuloy ang bili ng mga sasakyan ng mga Filipino samantalang ang Composite Purchasing Managers' Index ay mas mataas sa 50%.

Sinabi pa rin ng Bangko Sentral ng Pilipinas na gumaganda ang ekonomiya sa Estados unidos, sa Japan at Tsina samantalang bumagal ang kaunlaran sa euro area, India at ASEAN. Positibo rin ang pananaw ng International Monetary Fund sa global growth rate ayon sa mga economic activity indicators.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>