Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagpupulong ng mga opisyal ng ASEAN, nagsimula na

(GMT+08:00) 2017-04-26 18:15:58       CRI

Pagpupulong ng mga opisyal ng ASEAN, nagsimula na

PINAMUNUAN ni Philippine Ambassador to ASEAN Elizabeth P. Buensuceso ang pulong ng Committee of Permanent Representatives to ASEAN (CPR) kanina na siyang magsisimula ng serye ng official meetings na matatapos sa 30th ASEAN Summit sa ika-29 ng Abril.

Pinag-usapan ng mga kinatawan ng ASEAN ang kanilang mga gagawin ngayon taon at nabahaginan ng mga ulat at rekomendasyon sa ASEAN Senior Officials at ASEAN Ministers, mga detalye ng pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng ASEAN ngayong taon at ang relasyon ng grupo sa mga dialogue partner at ba pang mga grupo. Pinag-usapan din ang paghahanda para sa 50th ASEAN Foreign Ministers' Meeting at related ministerial meetings sa Agosto sa Maynila.

Ang pulong ay dinaluhan ng mga tauhan ng ASEAN secretariat at pinamunuan ng Deputy Secretary-General for ASEAN Political Security Community at nagpalitan ng mga pananaw sa kalalabasan ng iba't ibang paksa sa 50th ASEAN Foreign Ministers Meeting at iba pang ministerial meetings kasama na ang ika-31 ASEAN Summit sa Nobyembre na gagawin din sa Pilipinas.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, kasama sa pulong ang mga Ambassador sa ASEAN ng mga bansang Brunei Darussalam, Cambodia, Indonesia, Lao PDR, Malaysia, Myanmar, Pilipinas, Singapore, Thailand at Vietnam. Sila rin ang bumubuo ng ASEAN Connectivity Coordinating Committee. Kasama rin sila sa ASEAN Institute for Peace and Reconciliation governing council.

May tanggapan sa Jakarta, Indonesia, ang CPR ay tumutulong sa ginagawa ng ASEAN Community Councils at ASEAN Sectoral Ministerial Bodies at nakikipagtulungan sa ASEAN National Secretariats at iba pang ASEAN sectoral ministerial bodies at nakikipag-ugnayan sa Secretary-General ng ASEAN sa lahat ng mga paksa at nakikipagtulungan din sa iba pang external partner.

1 2 3
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>