Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangalawang Pangulong Robredo, walang balak tumakbong pangulo sa 2022

(GMT+08:00) 2017-05-09 16:39:09       CRI

SINABI ni Pangalawang Pangulong Leni Gerona Robredo na wala siyang balak tumakbo sa panguluhan sa susunod na halalan sa 2022. Ito ang kanyang sinabi sa panayam sa palatuntunan ni Mike Enriquez sa DZBB kaninang umaga.

Sa tanong kung haharapan siya ng limang milyong lagda na mananawagan sa kanyang tumakbo, sinabi niyang hindi sasapat ang limang milyon upang magwagi sa halalan. Magugunitang umabot sa 16 na milyong boto ang nakamtan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Niliwanag din ng pangalawang pangulo na sa abot ng kanyang makakaya ay mayroong mga programa para sa mahihirap at mga nangangailangan ng tulong. Nagkataong nasa laylayan sa ng pamahalaan tulad ng mga nangangailangan ng tulong.

Wala pa umanong takdang panahon ang kanilang hapunan ni Pangulong Duterte na binanggit sa kanya noong nakalipas na graduation rites sa Philippine National Police Academy ilang buwan na ang nakalilipas.

Walang nakikitang masama si Gng. Robredo sa pakikipagkaibigan sa mga kalapit bansa tulad ng Tsina sapagkat maayos at payapa ang kapaligiran subalit kailangan umanong igalang ng mga bansa ang nasasakupan ng kani—kanilang kalapit bansa.

1  2  3  4  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>