|
||||||||
|
||
Bagong gobernador ng Bangko Sentral ng Pilipinas, hinirang na
HINIRANG ni Pangulong Rodrigo Duterte si Deputy Governor Nestor Espenilla bilang gobernador ng Bangko Sentral ng Pilipinas bilang kahalili ni Amando Tetangco na nagtapos na ng kanyang panunungkulan.
Handang makipagtulungan si Gobernador Espenilla sa mga mababatas upang isulong ang mga programa ng Duterte Administration. Kabilang sa posibleng baguhin ang Bangko Sentral ng Pilipinas charter at ang posibleng pagpapaluwag g bank deposit secrecy law.
Nais din niyang palawagin ang anti-money laundering laws upang isama ang mga casino at magkaroon ng maayos na sistema ng bayaran.
Ayon kay Governor Espenilla, ilan lamang ito sa mahahalagang panukalang nais niyang aksyunan ng Kongreso.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |