Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangalawang Pangulong Robredo, walang balak tumakbong pangulo sa 2022

(GMT+08:00) 2017-05-09 16:39:09       CRI

Matagal ng mithing pension ng mga retiradong public attorney, naibigay din

NAGPASALAMAT si Chief Public Attorney Persida V. Rueda Acosta sa mga hukumang pumabor sa kanilang petisyon na bigyan ng marapat na pension ang mga abogadong nagretiro, nagkasakit at namatay ng kapantay ng mga nasa National Prosecution Service.

Umabot sa 54 na abogado ang tumanggap ng kanilang mga retirement pay sa pangunguna ni Director Renato T. Cabrido na tumanggap ng pinakamalaking kabayarang umabot sa higit sa P 5 milyon at isang daang libong piso. Nakinabang sa higit sa P 178 milyon ang kabuuhang halaga.

Nagpasalamat si Atty. Rueda-Acosta kay Pangulong Rodrigo Duterte at kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na lumiham kay Budget Secretary Benjamin Diokno na nagsabing madaliin na ang kabayaran ng mga abogadong naglingkod sa Public Attorneys' Office.

Sa ganitong kalakaran, mas maraming maglilingkod sa Public Attorneys' Office at hindi na lilipat sa Prosecution Service at iba pang tanggapan ng pamahalaan.

May pito pang nagretiro na tatanggap ng kanilang retirement benefits sa mga susunod na araw. Nakatulong din si Senador Loren Legarda sa pagbuo ng batas upang mabigyan ng maayos na retirement benefits sa mga abogado ng PAO.

Tumigil ng halos na 10 buwan ang pagdinig sa petisyon na nauwi sa desisyong pumabor sa Public Attorney's Office.

Ibinalita rin ni Atty. Acosta na nagwagi ang Public Attorneys' Office at Civil Service Commission sa usapin laban sa Career Executive Service Board na nakarating sa Korte Suprema. Sa desisyon, hindi na kailangang sumailalim pa sa Career Executive Service ang mga opisyal ng Public Attorneys' Office.

1  2  3  4  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>