Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga biktima ng pagpaslang, nagpetisyon sa Korte Suprema

(GMT+08:00) 2017-10-11 18:50:50       CRI

Mga biktima ng pagpaslang, nagpetisyon sa Korte Suprema

HINILING sa Korte Supreme ng tatlong nagpetisyon na patigilin ang pamahalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapatupad ng walang humpay na kampanya laban sa illegal drugs na ikinasawi na ng libo-libo katao.

Hiniling nina Aileen Almora, Rowena Aparri at Jefferson Soriano sa pamamagitan ng Free Legal Aid Group (FLAG), na madeklarang labag sa Saligang Batas ang sinasabing Command Memorandum Circular (CMC) No. 16 – 2016, ang dokumentong pinagbabatayan ng anti-drug campaign na mula kay PNP Director General Ronald dela Rosa noong unang araw ng Hulyo ng taong 2016.

Napapaloob sa 47-pahinang petisyon at sinabi ng mga nagpetisyon na ayon sa kautusan, nabigyan ng karapatan ang pulisyang pumatay ng pinaghihinalaang pusher. Nawala na rin ang trabaho ng pulisyang maghanap ng mga ebidensya at magkaroon ng case build-up na napalitan ng pagsasama-sama ng mga pangalan ng pinaghihinalaang drug pusher upang mapatay ang mga ito.

Sinabi rin ng mga nagpetisyon na ang pagbabahay-bahay ng pulisya sa ilalim ng OPLAN Tokhang ay hindi naglalayong makumbinse ang mga gumagamit ng illegal na droga na tumigil na bagkos ay patayin ang mga tumatangging makumbinse at mga tumatangging sangkot sila sa kriminalidad.

Idinagdag ng mga nagpetisyon na ang kautusan ay mula lamang sa pangako ni dating Davao City Mayor Rodrigo Duterte noong nangangampanya pa lamang na susugpuin niya ang illegal drugs sa loob ng anim na buwan ng panunungkulan.

Nanawagan din sila sa Korte Suprema na ideklara ang DILG Circular 2017-112 na labag sa Saligang Batas sapagkat bumuo ang tanggapan ng mekanismong makapagsusumbong ang sinuman ng mga taong sangkot sa illegal drugs.

Ayon sa mga nagpetisyon, magagawa ng kahit sinong maglista ng mga pangalan ng mga sasabihing mga kriminal at lumalabag sa batas.

Pinasasagot sa petisyon sina PNP Director General Dela Rosa at DILG Undersecretary at Officer-In-Charge Catalino Cuy at lahat ng mga opisyal, mga ahente at iba pang kumikilos ayon sa kanilang mga kautusan.

Iba't ibang human rights groups na ang nagsabing libu-libo na ang napaslang mula noong maluklok si Pangulong Duterte sa Malacanang.

Mariing itinanggi nina Presidential Spokesman Ernesto Abella at PNP Director General Dela Rosa ang alegasyong mula sa programa ng gobyerno ang extra-judicial killings.

1  2  3  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>