|
||||||||
|
||
COMELEC Chairman Bautista, magbibitiw na
SINABI ni Chairman Andres Bautista ng Commission on Elections na magbibitiw na siya sa kanyang puesto sa pagtatapos ng taong 2017.
Sa kanyang liham na natagpuan sa kanyang social media account, sinabi ni G. Bautista na lubos ang kanyang kalungkutan sa kanyang pagpapahayag ng pagbibitiw bilang pinuno ng Commission on Elections sa huling araw ng taon.
Idinagdag pa niyang matapos ang pananalangin at pagmumuni-muni, napagtanto niyang marapat na siyang magbitiw sa hindi pagkakatuloy ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections. Mahirap umano ang kanyang naging desisyon subalit lubos siyang kailangan ng kanyang mga supling.
Naniniwala siyang napaglingkuran niya ng lubos ang Commission on Elections at ang mga mamamayan mula noong mahirang siyang Chairman noong 2015. Ang kanyang posisyon ay karaniwang nagtatagal ng pitong taon.
Nasangkot si Chairman Bautista sa mapait na pakikipagtunggali sa kanyang kahiwalay na maybahay na nagsabing nakaipon ang abogado ng isang bilyong pisong undeclared wealth.
Sumailalim ang kanyang kaso sa pagdinig ng House Justice Committee sa reklamo nina dating Negros Oriental Representative Jacinto Paras at Atty. Ferdinand Topacio na sapat sa pagkakahanda.
Noong nakalipas na Agosto, nanawagan sina Commissioner Christian Robert Lim, Louie Tito Guia, Ma. Rowena Amelia Guanzon, Al Parreno, Arthur Lim at Sheriff Abas na magbakasyon na mula si Chairman Bautista samantalang maryoong hinaharap na reklamo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |