|
||||||||
|
||
Speaker Alvarez, hindi tatakbong senador sa 2019
MASAYA na si Speaker Pantaleon Alvarez sa pagiging congressman. Ito ang kanyang pahayag matapos lumabas ang balitang posibleng makasama sa line-up ng PDP-Laban ang mambabatas mula sa Davao.
Magugunitang binanggit ni Senate President Aquilino "Koko" Pimentel kamakailan ang kanyang mga nais tumakbo sa pagka-senador sa susunod na halalan.
Angkop na umano sa kanyang trabaho bilang secretary-general ng PDP-Laban na maging campaign manager ng kanilang lapian.
Niliwanag din niyang hindi pa tapos ang lahat para sa talaan ng kanilang partido. May mga bagong pangalang lalabas sapagkat binanggit na ni Majority Leader Rodolfo Farinas na hindi siya interesadong kumandidato.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |