Aralin Bilang Labing-apat Sa Isang Bupe

 Makipag-usap sa CRI
 
  • Hintay lang po sandali. Maraming kilalang restawran sa Beijing na nagtatampok ng mga pagkain mula sa iba't ibang lugar ng Tsina, pero kung minsan kailangang maghintay ka kung oras na madalian--ibig sabihin mula 12 hanggang 2 ng hapon, o mula 5 ng hapon hanggang 8 ng gabi. 请qǐng, mawalang-galang na po. 你们nǐmen, kayo o ninyo. 等děng, maghintay. 一会儿yíhuìr, sandali o saglit.
  • Gaano katagal kaming maghihintay? 我们wǒmen, kami. 要yào, kailangan. 等děng, maghintay. 多久duō jiǔ, gaano katagal.
  • Kumusta ang pagkain? 味道wèidao, lasa. 怎么样zěnmeyàng, anong lagay o kumusta.
  • Talagang napakasarap. 真的zhēn de, talaga. 很hěn, napaka. 好吃hǎochī, masarap.
  • Busog na ako. Salamat sa magandang pakikitungo ng mga Tsino, talagang nabusog kayo nang husto pagkaraang kumain ng napakasasarap na pagkain. Para malaman nilang hindi na nila kailangang maglagay pa ng pagkain sa inyong plato, maari ninyong sabihing "Busog na ako." 我wǒ, ako. 吃chī, kumain. 饱bǎo, busog. Ang "了le" ay isang kataga. Sa wikang Tsino, ang panahunan ng pandiwa ay hindi nagbabago. Dito ang katagang "了le" ay nagpapakahulugan ng kaganapan ng aksiyon.