Madalas na gamitin ng mga Tsino ang pariralang "tsaa at kape" bilang paglalarawan sa pagkakaiba ng mga kulturang Tsino at Kanluranin. Sa loob ng maraming libong taon, ang tsaa ay hindi nagbabagong inuming Tsino. Ito ay nagmula sa Tsina limang libong taon na ang nakararaan. Maliwanag na ang tsaa ay kumakatawan sa Silangan at ang kape sa Kanluran. Ang temperatura sa katimugan at silangang bahagi ng Tsina ay angkop na angkop sa pagpapatubo ng tsaa. Noong unang panahon, ang tsaa ay iniluluwas sa mga bansang Asyano at Europeo sa pamamagitan ng Silk Road. Sa kasalukuyan, ang mga tsaa sa lahat ng panig ng mundo ay tinatawag sa pangalang katulad ng salitang Tsino para sa Tsaa, "chá茶". Kung ihahambing sa mga bansang kilala sa pagpoprodyus ng kape ang produksiyon ng kape sa Tsina ay maliit lamang. Ang unang pabrika ng kape ay nagbukas sa Shanghai noong 1935 pero noon lamang bandang kalagitnaan ng 1980's nagustuhan ng mga Tsino ang pag-inom ng kape na nakasilid sa maliliit na pakete.