-
Mawalang-galang na, mayroon bang ipinagbibiling shampoo rito?
请qǐng, mawalang-galang na.
问wèn, tanungin.
有yǒu, magkaroon o mayroon.
洗发水xǐfàshuǐ, shampoo.
卖mài, itinda o ipagbili.
Ang "吗ma" ay isang katagang ginagamit sa pagtatanong. Madalas na inilalagay ito sa hulihan ng pangungusap.
-
Gusto ko itong isauli.
Sakali naman na may diperensiya ang shampoo na ito at gusto mong isauli.
我wǒ, ako.
想xiǎng, gustong....
退tuì, isauli.
货huò, bagay na binili o produkto.
-
Dala po ba ninyo ang resibo?
Natural lang na tanungin ka ng nagtitinda sa supermarket ng: "Dala po ba ninyo ang resibo?" o sa wikang Tsino: "您的发票带来了吗? Nín de fāpiào dàilai le ma?"
您的nín de, inyo o ninyo.
发票fāpiào, resibo.
带dài, dalhin o dala.
Ang "来lai" dito ay ginamit kasunod ng pandiwang "带dài" para ipakahulugang mosyong patungo sa nagsasalita. Ang "了le" ay isang kataga na nangangahulugan ng kaganapan ng aksiyon.
-
Pakitulong naman para maisauli ko ito.
Iminumungkahi ng tagapagbili sa kostumer na palitan na lamang ng bago ang shampoo. Pero talagang gusto ng kostumer na isauli na lang ito. Sa ganoong kaso, sasabihin ng Tsino: 您给退了吧。Nín gěi tuì le ba.
您nín, magalang na porma ng "你nǐ".
Ang "给gěi" ay orihinal na nangangahulugan ng ibigay. Dito, ito ay gumaganap ng tungkulin ng katagang nauuna sa pandiwa para ipakita ang pagbibigay-diin.
退tuì, isauli.
Ang "了le" ay isang katagang sumusunod sa pandiwa. Ito ay nagpapakahulugan ng kaganapan ng aksiyon. Halimbawa: 这本书我看完了. zhè běn shū wǒ kàn wán le. (Natapos ko na basahin ang libro.) 下课了. xià kè le. (Tapos na ang klase.)
Ang "吧ba" ay isa ring kataga. Inilalagay ito sa hulihan ng pangungusap na pautos para maging katamtaman ang tono nito.