Aralin Bilang Labing-walo Sa Supermarket

 Makipag-usap sa CRI
 

Dapat siguruhin ng mga kaibigang dayuhan sa Tsina na humingi ng resibo sa taksi, hotel at malalaking tindahan para maprotektahan ang kanilang karapatan bilang mamimili sakaling magkaroon ng problema. Ang mga resibo para sa mga biniling bagay ay kailangan para sa garantiya at pagmamantine, pagsasauli at pagpapalit ng mga produkto at paglutas sa usapin ng kalidad. Huwag kalilimutang humingi ng resibo sa drayber bago bumaba ng taksi. Kung may nakalimutan ka sa sasakyan mas madali mong mahahanap ang taksi at drayber nito at mas madali mong makukuha ang naiwan mong dala-dalahan dahil may hawak kang resibo. Ang paghingi ng resibo sa iyong mga binibili ay makakatulong din sa inyo pagdating ng araw sa paglutas sa mga problema, sa pagsasauli at pagpapalit ng mga produkto. Hindi rin madali ang pagpapakumpuni kung walang resibo. Ngayon, paano kayo makakakuha ng resibo? Habang binabayaran ang inyong binili, sabihin ninyo sa nagtitinda: "qǐng请nǐ你bāng帮wǒ我kāi开zhāng张fā发piào票。xiè谢xiè谢!" "Maari bang makahingi ng resibo? Salamat!" At huwag ding kalimutang humingi ng resibo sa drayber ng taksi pagdating ninyo sa inyong paroroonan.