Sa mga mamamayang Kanluranin, kung ang mga tao ay hindi nila kamag-anak tinatawag nila ang mga lalaki ng “Mister”, ang mga babaeng walang-asawa ng Binibini at babaeng may asawa ng Ginang. Ang mga Tsino ay nagbibigay ng malaking pagpapahalaga sa pamilya; para sa kanila “blood is thicker than water” o ang pagiging magkadugo ay higit na mahalaga kaysa pagiging magkaibigan o magkakilala. Sa gayon, para ipakita ang kanilang paggalang sa mga estranghero, tinatawag nila ang mga ito kung paano nila tinatawag ang kanilang mga kapamilya: Tiyo, Tiya, Kuya, Ate, etsetera. Sa mga drayber, ang tawag nila ay “master” na isang magalang na titulo para sa isang bihasa, kadalasan sa trabaho o larangan ng mga gawang-kamay. Sa Tsina, ang pagtawag ng “master” sa mga taong bihasa ay isang uri ng paggalang.

