Sa eksklusibong panayam ng Serbisyo Filipino-China Media Group (SF-CMG), Marso 3, 2023 sa bagong embahador ng Pilipinas sa Tsina, na si Jaime “Ka Jimi” FlorCruz, ibinahagi niya ang kanyang pananaw hinggil sa relasyong Pilipino-Sino sa iba’t ibang larangan.
Kabilang dito ang maidudulot na impluwensya sa ugnayan ng Pilipinas at Tsina ng 14 na kasunduang pangkooperasyon na pinirmahan ng dalawang bansa sa dalaw pang-estado sa Tsina ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., noong Enero ng taong ito, kooperasyon sa ilalim ng Build Better More at Belt and Road Initiative (BRI), pagtutulungan sa mga larangang priyoridad, at katuturan ng pag-apruba ng Pilipinas sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).
Kasabay nito, inilahad din ni FlorCruz kung ano ang ginawa, ginagawa, at gagawin ng Pilipinas at Tsina para mainam na mahawakan ang pagkakaiba sa isyung pandagdat.
Idiniin niya ang kahalagahan ng paggigiit ng dalawang bansa sa paggamit ng “lahat ng diplomatic channels para ma-manage ang pagkakaiba” sa naturang isyu.
Bilang dating mamamahayag at propesor na nanirahan minsan sa Tsina nang halos kalahating siglo, inilahad din ni FlorCruz ang pakiramdam sa kanyang muling pagbabalik sa Beijing bilang embahador.
Samantala, hinimok ng embahador ang mga kababayang Pilipinong nasa Tsina na ibahagi ang kanilang natutunan at karanasan sa mga Pilipinong nasa Pilipinas. Inanyayahan din niya ang mga kababayan sa Pilipinas na pumunta sa Tsina, magtagal nang kaunti, magtingin-tingin, makipagkaibigan, makipag-usap sa mga Tsino, at makita kung ano ang maganda sa bansa, at kung alin ang problema.
Mga tanong: Sissi/Kulas/Jade
Panayam: Rhio
Ulat: Jade
Patnugot sa website: Jade/Kulas
Cameramen: Deng Botao/Zhao Zhiqiang/Gong Ziyang
Light: Han Peng
Audio: Yang Guohui
Patnugot sa video: Qin Lei/Kulas/Jade
Transcription at pagsalin sa panayam: Sissi/Kulas/Jade
Espesyal na pasasalamat kina Liang Shuang, Tai Linzhen, Yuanqi