Amb. Jimi: Synergy ng Build Better More at Belt and Road Initiative, mabunga

2023-03-22 15:25:20  CMG
Share with:


“Marami nang nangyayari ngayon, halimbawa, iyong tulay sa Samal-Davao. Noong nakaraan, iyong mga tulay sa Pasig River, dalawa iyon. Sana madagdagan pa iyon.”

 

Ito ang sinabi ni Jaime “Ka Jimi” FlorCruz, Embahador ng Pilipinas sa Tsina kaugnay ng mga natamong bunga sa pamamagitan ng sinerhiya ng Build, Better, More (BBM) program ng Pilipinas at Belt and Road Initiative (BRI) ng Tsina, sa eksklusibong panayam sa Serbisyo Filipino, China Media Group (SF-CMG), Marso 3, 2023.

 

Nitong 10 taong nakalipas sapul nang iharap noong 2013 ng Tsina ang Belt and Road Initiative (BRI) para sa komong kasaganaan, isinasagawa na ng Tsina at Pilipinas ang maraming kooperasyon sa iba't ibang aspektong kinabibilangan ng imprastruktura, agrikultura, teknolohiya, kabuhayan, turismo at iba pa.

 

Kaugnay ng kooperasyon ng dalawang bansa sa hinaharap sa ilalim ng BBM at BRI, inilahad ni Embahador FlorCruz na, mayroon nang plano ang Pilipinas na gamitin ang teknolohiya ng ilang Chinese companies, lalo na ang 5G, para ipalaganap ang Internet at isulong ang Internet of Things (IoT) sa Pilipinas.

 

Inaasahan din aniya niyang ituloy ng dalawang bansa ang mga de-kalidad na proyekto sa mas maraming larangang gaya ng oil exploration at clean energy, para magdala ng mas malaking tangible benefits sa mga kababayan.

 

Sa panayam, ibinahagi rin ni Embahador FlorCruz ang kanyang pananaw sa maidudulot na impluwensya sa ugnayan ng Pilipinas at Tsina ng dalaw pang-estado sa Tsina ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. nitong nagdaang Enero at 14 na kasunduang pangkooperasyon na pinirmahan ng dalawang bansa, pagtutulungang Pilipino-Sino sa mga larangang priyoridad, at katuturan ng pag-apruba ng Pilipinas sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).

 

Kasabay nito, inilahad din ni FlorCruz kung ano ang ginawa, ginagawa, at gagawin ng Pilipinas at Tsina para mainam na mahawakan ang pagkakaiba sa isyung pandagdat.



Ulat: Kulas

Patnugot sa website: Kulas

Mga tanong: Sissi/Kulas/Jade

Panayam: Rhio

Cameramen: Deng Botao/Zhao Zhiqiang/Gong Ziyang

Light: Han Peng

Audio: Yang Guohui

Patnugot sa video: Qin Lei/Kulas/Jade

Transcription at pagsalin sa panayam: Sissi/Kulas/Jade

Espesyal na pasasalamat kina Liang Shuang, Tai Linzhen, Yuanqi