Amb. Jimi: Pagkakaibang pandagat, dapat ma-manage gamit lahat ng diplomatic channels

2023-04-11 17:07:17  CMG
Share with:


“Susundan natin iyong mga usapan tungkol sa Code of Conduct, itutuloy natin iyong negosasyon na iyon, gagamitin natin ang lahat ng diplomatic channels para ma-manage natin iyong ating pagkakaiba, iyong ating differences.”

 

Ito ang sinabi ni Jaime “Ka Jimi” FlorCruz, Embahador ng Pilipinas sa Tsina kaugnay ng pagma-manage sa pagkakaibang pandagat ng Pilipinas at Tsina, sa eksklusibong panayam sa Serbisyo Filipino, China Media Group (SF-CMG), Marso 3, 2023.

 

Sa dalaw pang-estado sa Tsina ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. noong Enero, 2023, nangako sila ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na, patuloy, komprehensibo at epektibong ipapatupad ang Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC) at magsikap para pasulungin ang pagdating ng epektibo at substantibong Code of Conduct in the South China Sea (COC) na nababatay sa batas-pandaigdig na kinabibilangan ng 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) sa lalong madaling panahon.

 

Idiniin din ng dalawang pangulo na ang mga isyung pandagat ay hindi kabuuan o sum-total ng relasyong Pilipino-Sino, at nagkasundo silang hawakan ang pagkakaiba sa mapayapang paraan.

 

“Hindi maiiwasan na mayroon tayong differences, ang dapat nating iwasan ay humantong iyong differences na iyon sa masamang bagay, sa armadong tunggalian. Iyon ang dapat nating iwasan. At iyon ang trabaho ng mga diplomat na kagaya ko,” saad ni Embahador FlorCruz.

 

Nanawagan siya na huwag bibitawan ang adhikain na gamitin ang diplomasya sa paghawak sa mga isyu, tungo sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan sa naturang dagat, at pagkakaroon ng mas magandang kinabukasan ng relasyong Pilipino-Sino.

 

 

Ulat: Kulas

Patnugot sa website: Kulas

Mga tanong: Sissi/Kulas/Jade

Panayam: Rhio

Cameramen: Deng Botao/Zhao Zhiqiang/Gong Ziyang

Light: Han Peng

Audio: Yang Guohui

Patnugot sa video: Qin Lei/Kulas/Jade

Transcription at pagsalin sa panayam: Sissi/Kulas/Jade

Espesyal na pasasalamat kina Liang Shuang, Tai Linzhen, Yuanqi