Amb. Jimi: Pilipinas at Tsina complementary, pagsasanib ng dalawang bansa logical

2023-04-07 10:21:59  CMG
Share with:


“Iyong dalawang bansa, may pagka-complementary... Iyong kailangan natin, puwedeng ibigay ng China, iyong gustong ibigay o ilabas ng China, investment, technology, manufacturing, agricultural practices, kailangan natin, energy, kailangan natin.”

 

Ito ang sinabi ni Jaime “Ka Jimi” FlorCruz, Embahador ng Pilipinas sa Tsina kaugnay ng pagpapalalim ng kooperasyon ng Pilipinas at Tsina sa iba’t-ibang larangan, sa eksklusibong panayam sa Serbisyo Filipino, China Media Group (SF-CMG), Marso 3, 2023.

 

Malaki aniya ang inabante ng Tsina sa ekonomiya at teknolohiya nitong mga nakaraang dalawampu’t tatlong taon. Samantala, malaki naman ang potential ng Pilipinas.

 

“So, logical lang na iyong dalawang bansa ay magsanib, magtulungan, at iyon ang gusto ko ring mangyari, diin ni Ka Jimi.

 

Inilahad ni Embahador FlorCruz na malaki ang pag-asa ng Pilipinas na makuha ang mas maraming pamumuhunan ng Tsina, para paramihin ang trabaho sa bansa at matamo ang tunay na arangkada ng pambansang pag-unlad.

 

Ulat: Kulas

Patnugot sa website: Kulas

Mga tanong: Sissi/Kulas/Jade

Panayam: Rhio

Cameramen: Deng Botao/Zhao Zhiqiang/Gong Ziyang

Light: Han Peng

Audio: Yang Guohui

Patnugot sa video: Qin Lei/Kulas/Jade

Transcription at pagsalin sa panayam: Sissi/Kulas/Jade

Espesyal na pasasalamat kina Liang Shuang, Tai Linzhen, Yuanqi