“Mismong natuloy iyong bisitang iyon ay isa nang napakagandang nangyari. Kasi, isipin mo, noong panahong iyon, may pandemiya pa dito. Maraming mga balakid na parang pumipigil doon sa bisitang iyon. Pero, dahil napakaimportante ng ating relasyon sa Tsina, dahil malaki ang importansya na binibigay ng ating pangulo at ng ating administrasyon sa relasyon ng Pilipinas sa Tsina, kaya, kahit papaano ay itinuloy.”
Ito ang sinabi ni Jaime “Ka Jimi” FlorCruz, Embahador ng Pilipinas sa Tsina kaugnay ng dalaw pang-estado sa Tsina ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. nitong nagdaang Enero, sa eksklusibong panayam sa Serbisyo Filipino, China Media Group (SF-CMG), Marso 3, 2023.
Mahalaga aniyang nagkita at nagkaroon ng personal na interaksyon ang mga pangulo ng Pilipinas at Tsina, upang maghanap ng mga tangible benefits para sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
Ang pagdalaw ni Pangulong Marcos Jr. sa Tsina ay nagbunga ng 14 na kasunduang pangkooperasyon.
Kaugnay nito, sinabi ni Embahador FlorCruz na “Iyon talagang solid na proyekto na puwede nating sabihin, ito ang makikita natin, ang makukuha natin, kung mapapalawig natin ang relasyon ng dalawang bansa. Ang trabaho natin ngayon ay kung paano natin isusulong iyong 14 na agreement para maging katotohanan.”
Ulat: Kulas
Patnugot sa website: Kulas
Mga tanong: Sissi/Kulas/Jade
Panayam: Rhio
Cameramen: Deng Botao/Zhao Zhiqiang/Gong Ziyang
Light: Han Peng
Audio: Yang Guohui
Patnugot sa video: Qin Lei/Kulas/Jade
Transcription at pagsalin sa panayam: Sissi/Kulas/Jade
Espesyal na pasasalamat kina Liang Shuang, Tai Linzhen, Yuanqi
Relasyong Pilipino-Sino, sa mata ni Embahador Jaime FlorCruz
Amb. Jimi: Pagbukas ng direktang linya ng komunikasyon ng DFA at MOFA, makabuluhan
Amb. Jimi: Pagkakaibang pandagat, dapat ma-manage gamit lahat ng diplomatic channels
Amb. Jimi: End goal na modernisasyon ng Pilipinas at Tsina, pareho
Amb. Jimi: Pilipinas at Tsina complementary, pagsasanib ng dalawang bansa logical
Amb. Jimi: Mga kasunduang pangkooperasyon ng Pilipinas at Tsina, magdadala ng tangible benefits
Amb. Jimi: Synergy ng Build Better More at Belt and Road Initiative, mabunga