AgriCon Ana: Pagkakapareho ng mga magsasaka, magpapalakas ng ugnayang Pilipino-Sino

2023-05-26 18:30:19  CMG
Share with:


Sa paanyaya ng China Media Group Asian and African Languages Programming Center (CMG-AALPC), mula Mayo 8 hanggang Mayo 11, bumisita si Ana Abejuela, Agriculture Counsellor ng Pasuguan ng Pilipinas sa Tsina, sa lunsod ng Xiangyang, lalawigang Hubei sa gitna ng Tsina, para alamin ang pamumuhay ng mga magsasaka at modernisasyong agrikultural sa lokalidad.

 

Ani AgriCon Ana, ang pagkakapareho ng mga magsasaka ng Pilipinas at Tsina ay makakatulong sa pagpapalakas ng relasyon ng dalawang bansa.  

 

“Mga Filipino farmers at Chinese farmers, hindi sila kaibang tao, pare-pareho silang nagtatrabaho, pare-pareho silang nagsisikap para magkaroon ng magandang buhay, magandang income,” ani Ana.  

 

Ang kagandahan ng lunsod at pagiging “progressive” ng Xiangyang sa agrikultura ay nag-iwan ng malalim ng impresyon kay AgriCon Ana.

 

Sa kanyang biyahe, pumunta si AgriCon Ana sa mga rural area ng Zaoyang, Yicheng, at Xiangzhou ng Xiangyang. Pinag-aralan niya ang iba’t ibang sektor na agrikultural, na tulad ng pag-aalaga ng crayfish sa palayan, paggawa at paggamit ng mga intelligent agri-machinery, at paggamit ng organic waste para gumawa ng kuryente, biogas, at pataba.

 

Naengganyong tumapak sa Xiangyang si AgriCon Ana dahil sa isang serye ng dokumentaryong ginawa ng CMG-AALPC na pinamagatang “Apat na Panahon ng Xiangyang.” Ipinakikita ng mga dokumentaryo ang mga istorya hinggil sa mga magsasakang taga-Xiangyang.

 

“So hopefully magkaroon ng exchange, magkaroon ng ganitong video [na tulad ng Apat na Panahon ng Xiangyang], na gaya ng binisita nating  crayfish production with rice. Marami magiging interesado doon sa mga rice farmers namin. So kung maibabahagi natin iyan doon through ATI, maganda iyong kalabasan,” dagdag pa ni Ana.

 

Umaasa aniya siyang magkakaroon ng pormal na cooperative agreement sa pagitan ng Agricultural Training Institute (ATI) ng Kagawaran ng  Agrikultura ng Pilipinas (DA) at CMG-AALPC, para palakasin ang pagkakaunawaan at pagpapalitan ng mga magsasaka ng Pilipinas at Tsina, tungo sa pagtatatag ng mas mahigpit na koneksyon ng dalawang bansa.

 

“The Philippines and China, we look at our relationship as having a shared history that has spanned hundreds of years, and we look forward to maybe another hundred years of good relationship,pananaw ni AgriCon Ana sa kinabukasan ng kooperasyong Pilipino-Sino.


 

Mga tanong: Kulas/Sissi/Jade

Panayam: Kulas

Ulat: Kulas

Pulido: Ramil/Jade

Patnugot sa website: Kulas

Cameramen: Kulas/Sissi/Liu Kai

Patnugot sa video: Kulas

Transcription sa panayam: Kulas

Espesyal na pasasalamat kina Gong Wanpeng at Cao Qi