Maraming salamat sa inyong talento, SIBOL HOK/AOV Team!

2023-09-25 11:57:27  CMG
Share with:


Naganap ngayong araw, Setyembre 24, 2023, sa Hangzhou, Tsina, ang Arena of Valor Group D Match 1 ng Ika-19 na Asian Games, sa pagitan ng Pilipinas at Thailand.

 

Ito ang una at huli ring laro ng Team Sibol, national esports team ng Pilipinas, na binubuo nina Cedrik B. Santos, Christian Villegas, Miguel Klarenz H. Banaag, Alfonso Marcus Valmores, Dragon Hart Dajao, Eleazar Salle, Maynard R. Limon, sa event ng Arena of Valor sa kasalukuyang Asian Games.

 

Ang Arena of Valor ay isang multiplayer online battle arena (MOBA) na binuo para sa mobile phones. Ang pangkalahatang gameplay ng Arena of Valor ay lubos na kahawig ng League of Legends, isang MOBA na laro sa PC na binuo at inilathala ng Riot Games, na isa ring subsidiary ng Tencent at kapatid na kumpanya ng TiMi.

 

Kinuha ng Thailand ang panalo sa isang BO1 match-up laban sa Pilipinas. Dahil ito ay isang solong eliminasyon na laban, hindi na uusad sa susunod na round ang Sibol.

 

Pagkatapos ng paligsahan, ipinahayag ni Cedrik B. Santos, miyembro ng Team Sibol, ang panghihinayang nila, pero sinabi rin niyang babalik sila nang mas mahusay sa susunod na mga kompetisyon.