Durian at lokal na produkto, ipo-promote ng Pilipinas sa ika-6 na CIIE

2023-11-02 17:41:49  CMG
Share with:

Sa ika-6 na sunod na pagkakataon, nakatakdang lumahok ang Pilipinas sa 2023 China International Import Expo (CIIE), mula Nobyembre 5 hanggang 10, 2023, sa National Exhibition and Convention Center (NECC), lunsod Shanghai, gawing silangan ng Tsina.

2023 CIIE

Binubuo ng 17 lokal na negosyante, ipakikita ng delegasyong Pilipino ang malawak na hanay ng mga sariwang produkto mula sa buong kapuluan, kabilang na ang durian, kape, pinatuyong mangga, produktong niyog, saging chip, at marami pang iba.

Ang durian, na kilala rin bilang "hari ng mga prutas," ay magiging sentro ng promosyon, kasunod ng kahanga-hangang pagsikat nito sa merkadong Tsino at Timog-silangang Asya.

Maliban diyan, ipo-promote din sa mga kompanyang Tsino ang mga oportunidad pampamumuhunan ng Pilipinas sa mga sektor na gaya ng agrikultura, turismo, teknolohiya, e-komersyo, at marami pang iba.

Ang CIIE ay ang isa sa mga pinakamalaking perya ng kalakalan sa Tsina, at sa pamamagitan nito, napapadali ng mga kalahok na kompanya ang proseso ng pagluluwas ng mga produkto sa merkadong Tsino, tulad ng customs clearance, inspeksyon at kuwarentenas.

Nagbibigay rin ito ng pangmalayuang one-stop na serbisyo sa online at offline na transaksyon. Kasabay nito, nagpapalakas ang ekspo ng proteksyon sa pagmamay-ari ng likhang-isip at karapatan sa ari-arian at interes ng mga negosyante.

Ang CIIE ay nasa magkasamang pagtataguyod ng Ministri ng Komersyo ng Tsina at Munisipal na Pamahalaan ng Lunsod Shanghai.

Narito ang mga kompanyang Pilipino na dadalo sa Philippine pavilion ng Ika-6 na CIIE:

Kompanya

Ispesyalisasyon

1.    See’s   International Food Manufacturing Corporation

·           Banana chips

2.    Profood International Corporation

·           Dried fruits 

3.    Raspina Tropical

·           Fresh fruits

4.    Eng Seng Food Products

·           Frozen durian

5.    Lionheart Farms Philippine Corporation

·           Coconut products

6.    GERB Golden Hands

·           Fresh cavendish banana

7.    AVANTE   Agri-Products Philippines, Inc.

·           Fresh fruits

8.    Sam Lim Corporation

·           Snacks and beverages

9.    Excellent Quality Goods Supply Corporation

·           Banana chips and dried mangoes

10. Maylong Enterprises   Corporation

·           Fresh/Frozen durian

11. Coffee   Collective of the Philippines, Inc.

·           Coffee

12. SQ Fresh Fruit   Corporation

·           Fresh/Frozen durian

13. Eng Seng   Group of Companies, Inc.

·           Fresh/Frozen durian

14. Republic Biscuit   Corporation

·           Snacks/Biscuits

15. Fisher Farms, Inc.

·           Milkfish and shrimp products

16. Century Pacific Agricultural Ventures, Inc

·           Coconut Products

17. Durian   Industry Association of Davao City

·           Fresh Durian

 

Pabilyon ng Pilipinas sa 2018 CIIE


Pabilyon ng Pilipinas sa 2019 CIIE


Pabilyon ng Pilipinas sa 2020 CIIE


Pabilyon ng Pilipinas sa 2021 CIIE


Pabilyon ng Pilipinas sa 2022 CIIE



Artikulo: Rhio Zablan

Patnugot sa teksto: Jade

Patnugot sa website: Sarah

Larawan: CFP/Center for International Trade Expositions and Missions-Department of Trade and Industry (CITEM-DTI)