Aktibidad ng pagtatanim ng mga puno, ikinatuwa ng embahador ng Pilipinas sa Tsina

2024-04-15 17:09:51  CMG
Share with:

Entablado ng 2024 Beijing International Friendship Forest Tree Planting Event


Sa pagtataguyod ng Beijing People’s Association for Friendship with Foreign Countries (BPAFFC), idinaos umaga ng Abril 14, 2024, sa Distrito ng Changping, Beijing, Tsina, ang 2024 Beijing International Friendship Forest Tree Planting Event na dinaluhan ng mga iba’t ibang kinatawan mula sa lokal na pamahalan, kinatawan mula sa iba’t ibang embahada, kabilang na ang Pilipinas, dayuhang eksperto at mga internasyonal na estudyante.

 

Panayam kay Emb. Jaime A. FlorCruz


Kaugnay nito, ipinahayag ni Jaime A. FlorCruz, Embahador ng Pilipinas sa Tsina na 10 taon na ginagawa ang ganitong aktibidad ng pagtatanim ng puno sa Beijing at ikinatutuwa niya, kasama ng mga residenteng Tsino at banyaga, na makapagtanim ng malalaking puno.


Nagtatanim ng puno si Emb. Jaime A. FlorCruz


Hiling ni Emb. FlorCruz na ang pagtatanim ng mga puno ay magiging magandang simbolo ng pagkakaroon ng magandang pagkakaibigan sa pagitan ng Pilipinas at ng Tsina, dahil kapag nagtutulungan ang dalawang bansa, mas lalago ang pagkakaibigan, relasyon, at kabuhayan ng mga mamamayang Tsino at ng mga Pilipino.


Mga panauhin at bisita sa aktibidad ng pagtatanim ng puno


Aniya pa, iisa lang naman ang planetang mundo at tinitirahan ng sangkatauhan kaya kailangan tumulong, magtanim ng maraming puno para mapaganda ang paligid at gumanda ang buhay, hindi lang sa Beijing pati na rin sa buong mundo.


Mga batang Tsinong nagtatanghal ng Kung Fu


Inilarawan niyang ang puno ay parang baga na habang pinapalago ay nagbubuga ng malinis na hangin, nakakatulong sa buhay ng mga tao, napapaganda ang simoy ng hangin at napapaganda rin ang paligid.

 

Dagdag pa niya na lalago ang mga bulaklak, mas maraming mga hayop na mabubuhay sa paligid at bilang residente ng planetang mundo ay magkakaroon ng mas magandang buhay.

 

 

Ulat/Video: Ramil Santos

Patnugot sa teksto: Jade

Patnugot sa website: Kulas