Bilang tugon sa pagbatikos ng Philippine Coast Guard sa paghadlang ng China Coast Guard sa isang may-sakit na sundalong Pilipino mula sa Ren’ai Jiao, ipinagdiinan Biyernes, Hunyo 7, 2024 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina ang malinaw na paninindigan ng bansa sa isyu ng Ren’ai Jiao: kung maagang ipapaalam ng panig Pilipino ang kaukulang situwasyon sa panig Tsino, maaaring pahintulutan ng panig Tsino ang paghahatid ng Pilipinas ng kinakailangang pang-araw-araw na suplay para sa mga nakatira sa nakasadsad na bapor-pandigma at pagpapaurong ng kaukulang tauhan.
Pero hindi dapat gawing katuwiran ito para sa paghahatid ng panig Pilipino ng mga materyales ng pagkukumpuni at pagpapatibay ng bapor, upang pangmalayuang sakupin ang Ren’ai Jiao, dagdag ni Mao.
Salin: Vera
Pulido: Ramil